Kabilang ang Kapuso star na si Sheena Halili sa mga kababayan natin na nag-alala sa kanilang mga kamag-anak na naging biktima ng matinding pagbaha bunga ng walang tigil na pag-ulan.
Sa panayam sa telepono ng GMA’s Flash Report nitong Martes ng hapon, tila naiiyak habang nagkukwento si Sheena tungkol sa sitwasyon ng kanyang mga kamag-anak sa San Fernando, Pampanga.
Kwento ng aktres, nagpa-panic na nang makausap niya sa telepono ang kanyang tiyahin sa San Matias, Brgy San Nicolas, San Fernando. Umabot na umano sa bubungan ng bahay ang baha sa lugar at nag-aalala siya dahil dumidilim na at patuloy pa rin ang pag-ulan.
Bukod dito, hindi umano niya alam kung ano ang sitwasyon ng kanyang ama na nagtungo sa lugar ng kanyang lolo na hindi na nakakalakad.

“Yung daddy ko po nakahanap po siya ng boat pero yung boat na dala-dala niya nilangoy lang po niya, hinihila lang po niya at lumalangoy po siya. Nag-aalala lang po ako kasi padilim na po baka kung napano na rin po yung tatay ko," nababahalang kwento ni Sheena.
Nagdala umano ng truck ang kanyang ama nang puntahan ang village kung saan nakatira ang kanyang lolo pero hindi na raw kaya ng truck na pumasok sa loob ng village.
Ayon kay Sheena, apat na pamilya ang kanyang kamag-anak sa lugar at maraming bata kaya siya nababahala.
Safe na
Kinagabihan, nagpost ng mensahe si Sheena sa kanyang Twitter account para ipaalam na ligtas na ang kanyang pamilya sa Pampanga. Nagpasalamat siya sa mga taong tumulong at nagpakalat ng impormasyon tungkol sa sitwasyon ng kanyang mga kamag-anak.
@mysheenahalili: “Thank God okay napo family ko..narescue napo sila nila dad..magkakasama napo sila ngaun..thank you GMA sa help and sa mga nagtweet!"
Dahil sa tindi ng pagbaha na inabot ng Pampanga, idineklarang under state of calamity ang lalawigan. Hindi bababa sa 10 bayan ang nalubog sa tubig at aabot sa 6,000 katao ang apektado.

No comments:
Post a Comment