Dalawampu’t limang taon na sa showbiz si Aiza Seguerra sa showbiz.
At bilang pagdiriwang sa mahalagang okasyon na ito sa career ng dating child wonder, isang major concert ang ihahandog ni Aiza sa kanyang mga tagasubaybay.
Ito ay ang Bente Singko: Aiza Seguerra Anniversary Concert na gaganapin sa Biyernes, September 28, sa Smart Araneta Coliseum.
Bibihira na sa mga artista o performer ang nakakaabot ng mahigit dalawang dekada at nasa itaas pa rin. Ano ang sikreto ni Aiza at narating niya ang estado na ito ng kanyang career?
“Siguro ano lang talaga, hindi ko nga alam kung paano nangyari.
“Siyempre, tinatanong ako ano ang sikreto, honestly, I don’t have idea.
“Basta ang alam ko lang, simula nang magsimula ako hanggang ngayon, minahal ko lang talaga ang trabaho ko nang todo.
“Nirespeto ko lang yung mga kasama ko sa paligid ko.
“Parang wala akong maisip kung ano ang espesyal na nagawa ko para makaabot ako rito.
“I guess, it’s just basic—you just have to love and respect people around you.”
Nakausap ng Hot Pinoy Showbiz at iba pang taga-media si Aiza sa presscon ng Bente Singko kahapon, September 25, sa Max’s Restaurant sa Shaw Blvd., Quezon City.
HIGHS AND LOWS. Sa loob ng 25 years ay nagawa ni Aiza na tumalon mula sa pagiging child actress at teen star papunta sa pagiging acoustic singer.
Pagsang-ayon niya, “Yun nga, those things came, those things happened nang hindi conscious effort na kailangan mag-reinvent ako ng sarili ko.
“Hindi, e… kumbaga, nagpakatotoo lang ako sa sarili ko na gusto kong kumanta nang naka-gitara.
“’O, sige, ganito na lang ang gagawin ko. Kahit walang gaanong nanonood, basta nag-e-enjoy ako.’
“Siguro nagkataon lang din na nagustuhan lang din nila.”
Aminado si Aiza na bilang isang performer at artista, meron siyang “highs and lows” pagdating sa kanyang career.
Dumating din daw siya sa puntong naisip niya kung dapat pa ba niyang ituloy ang kanyang showbiz career.
“It is, it is,” sambit niya.
“Dumating yung time na naiisip ko, siguro hindi na ako para rito. Normal yun.
“Sabi ko noon, kung may project, may project. Kung wala, e, di wala.
“I’d rather focus sa school nun. Makatapos ako and help my family.
“E, wala, nabiyayaan ng isang pang chance.
“And I took the opportunity na, ‘Sige, subukan natin ulit.’”
Ang hit song niyang “Pagdating ng Panahon” daw ang nagbigay ng daan para sa tinatawag niyang “second chance” sa kanyang career.
NOT PART OF HER DREAM. Ayon kay Aiza, hindi niya pinangarap na magkaroon ng solo concert sa isang napakalaking venue gaya ng Smart Araneta Coliseum.
“It wasn’t part of my dream. Siguro, hindi ako nahihilig sa malalaki.
“Sa totoo lang, grabe ang pilit nila sa akin na, ‘Sige na, mag-Smart Araneta ka na.’ Kumbaga, nararapat lang na ganito.
“Sabi ko, ‘Hindi, mas gusto ko pa rin ang maliliit na venue.’ Kasi kapag nagpe-perform ako, ako yun, e.
“Sabi ko nga, hindi naman ako yung tipong sumasayaw na lumilipad o kung anuman—what people expect in Araneta concert, di ba?
“Hindi ako ganoon. I can get away with sitting down, playing with my guitar, kumanta lang, di ba?
“Yun lang ang gagawin ko.”

No comments:
Post a Comment