Kinuha ng Hot Pinoy Showbiz ang reaksiyon ng action star na si Robin Padilla tungkol sa controversial short film na Innocence of Muslims.
Ang Innocence of Muslims ay isang 14-minute movie na mapapanood sa YouTube.
Ang Innocence of Muslims ang sanhi ng malawakang protesta ng mga Muslim sa Middle East at Islam countries dahil ininsulto sa pelikula si Prophet Muhammad, ang founder ng Islam.
Nagalit ang mga kapatid nating Muslim sa portrayal kay Prophet Muhammad bilang “gay” na pabor sa “extra-marital sex at pedophilia.”
Ang video na ito ang sinasabing dahilan ng pagpatay kay Christopher Stevens, ang ambassador ng Amerika sa Libya.
Pinatay si Stevens at tatlo pang U.S. workers ng mga miyembro ng Libyan Islamist extremists na sumalakay sa U.S. Consulate sa Benghazi noong September 11, anibersaryo ng pag-atake ng al Qaeda sa Estados Unidos noong September 11, 2001.
Sa ginanap na 34th Catholic Mass Media Awards kagabi, September 26, ay nagbigay ng pahayag si Robin tungkol sa kontrobersiyal na pelikula.
Aniya, "Maging Muslim o Kristiyano, mao-offend sa pelikulang yun.
"Kami man, pag mayroong hindi nagrespeto kay Jesus Christ, mauuna kaming mga Muslim na magpo-protesta. Hindi kami manggugulo kasi bawal manggugulo."
Matatandaang nagpa-convert sa Islam si Robin, mula sa pagiging Kristiyano, habang nakakulong sa New Bilibid Prison dahil sa kasong illegal possession of firearm noong late '90s.
Ang Muslim name ni Robin ay Abdul Aziz.
Napanood na ba ni Robin ang Innocence of Muslims?
"Pinanood ko na. Natawa nga ako, e. Hindi ako nagalit pero kailangan mag-protesta. Sana 'wag na lang ilabas sa YouTube," saad ng aktor.

No comments:
Post a Comment