Pro-RH Bill si Aiza Seguerra.
“Ako, I’m pro-choice, I am pro-education,” sabi pa ni Aiza.
Sa nakaraang presscon ng Be Careful With My Heart para sa Saturday rewind ng nasabing programa na nagsimula na kahapon, Sabado, Sept. 15, ibinigay ng singer-actress ang kanyang dahilan kung bakit sinusuportahan niya ang isinusulong na pagsasabatas ng pinagtatalunan pang Reproductive Health Bill o RH Bill.
“Para sa akin, yung sinasabi nila, na di overpopulation ang problema, hindi ako naniniwala,” ani Aiza sa presscon na ginanap sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN, kamakailan.
“I believe na overpopulation is a big, big problem.
“Sabihin natin na ang government natin is naggo-grow. Pero sa sobrang dami ng problema natin, di pa kaya ng gobyerno natin.”
Ayon kay Aiza, isa talaga ang overpopulation sa maraming problema ng gobyerno.
Pero dapat din daw ay may responsibilidad ang mga mamamayan na maging edukado tungkol sa sex.
“Actually sa sex naman, di naman kailangan matalino ka.
“The problem kasi, yung mga ganung bagay, we don’t talk about it in our family.
“Well, in fact, dapat pinag-uusapan ‘yan within the family.
“Parang nararapat na turuan ang bagong henerasyon, kasi ano ang mangyayari years from now?
“Huwag na tayong magpakaipokrito… Pigilan ninyo ang mga sarili ninyo, ‘Oh my God!’ ‘Wag ganun.
“May mga ibang tao na nakakapagpigil, may mga iba na hindi.
“Why not give them a choice?”
Dapat daw, may mapagpipilian kung anong uri ng contraceptive ang gagamitin at dapat ay laging available ito.
“Kung nakakagawa ka ng abstinence, fine, that’s good for you.
“But if you can’t, at least you have it, di ba?” tukoy ni Aiza tungkol sa contraceptives.
“Kasi para sa akin…nag-tweet ako. I was in losing hope kasi may nakita na naman akong balita na another dead baby found in a trash can.
“I’d rather see used condoms and used contraceptives in a trash can than dead babies.
“Is this what you want?
“Kumbaga, hindi lahat ng tao handa, e. Unfortunately, hindi lahat ng tao, responsable.
“Ngayon ang RH, kahit papaano, ang magiging daan para sa mga iresponsableng tao, na kahit papaano ay magawan ng paraan, kaysa magkaroon tayo ng maraming dead babies.”
DEFENDING SOTTO. Kung pro-RH Bill si Aiza, anti-RH Bill naman ang isa sa kanyang discoverers na si Senador Vicente “Tito” Sotto III.
Parte ng comedy trio na Tito, Vic & Joey si Sotto sa panghapong programa na Eat Bulaga!.
Nadiskubre at sinuportahan nina Tito, Vic Sotto, at Joey de Leon si Aiza, matapos na sumali ito sa “Little Miss Philippines” nung 1987.
Kasalukuyang naiipit sa kontrobersiya ang “Tito Sen” ni Aiza (tawag ng singer-actress kay Sotto) dahil sa mga batikos na tinatanggap, hindi lang dahil sa pagiging kalaban ng pagsasabatas ng RH Bill, kundi pati na rin sa mga akusasyon ng plagiarism na ipinupukol dito.
Idinepensa naman ni Aiza si Sotto sa kabila ng pagiging magkasalungat nila ng opinyon tungkol sa RH Bill.
“Ako, I have my opinion. Everybody have their opinion.
“Actually sa interview ko sa Bandila, I was so pissed off, kasi I was defending him daw,” banggit ni Aiza sa late night news program ng ABS-CBN.
“Sabi ko, number one, I cannot defend someone na medyo magkaiba kami ng opinion.
“All I said was for people, of course, normal na mamuna. Lahat tayo namumuna.
“Pero for people, watch out their criticisms naman.
“Kasi heto na nga, ang init na ng subject, tingin ninyo ba yung pagpo-post ninyo ng memes, or what you call that in the Internet, ng ganito, ganyan, does it help?
“Let’s just focus on the situation.
“Now, we have a lot of bloggers who are very, very smart about it, na ang talagang nilalagay nila, yung constructive criticisms. That is fine.
“Kasi sa akin kung talagang dapat punahin, dapat pinupuna. Yun sa akin.
“I get hurt, if you ask me that,” tungkol daw sa ipinaglalaban ni Sotto at sa kontrobersiya nito ngayon.
“Of course I said I wanna comment on it, parang nag-comment na rin ako sa sarili kong mga magulang, ‘coz I grew up with them, and marunong din naman ako ng delicadeza. So, I don’t want to say anything against him.
“Not because takot ako. Ang sa akin lang, puwede namang huwag ilabas, puwede namang sa amin lang, e.
“Dahil love ko siya, even if we’re not on the same side. Even if he’s against it and I’m for it, big time, I get hurt because I love him and I look up to him. Labas ang pulitika sa amin.”
Hindi rin dapat daw idamay ang pamilya ni Tito.
“Pero sa akin lang, huwag namang idamay yung mga tao na di naman damay sa issue.
“Titirahin yung family ni Tito Sen. Bakit? Dahil nagre-react sa mga ano?
“Of course! They are family, what do you expect? They are protecting each other, normal yun.
“Let’s focus on the issue, minsan kasi may ibang makahirit lang, hihirit. Just focus on the issue, huwag nang magdamay ng mga tao na di naman dapat idamay.
“Kung anuman ang opinion ng bawat isa, respect na lang. If other people can’t respect us in our own opinion, ‘wag ganun.
“Be a bigger person, be a higher person,” apila ni Aiza.
SUPPORT FOR BOSSING. Tungkol naman sa usap-usapang pagtakbo bilang Mayor ng Quezon City ni Vic Sotto, susuportahan ba ito ni Aiza kung sakaling tatakbo nga ito sa eleksyon sa isang taon?
“I know Bossing [Vic] since I was young and I’ve seen how he is with people.
“I’m not saying this because si Bossing ito, pero isa ako sa natulungan niya.”
At naroon pa rin daw ang respeto niya kay Vic kahit na hindi sila madalas na nagkakasama.
Kung kakayahang mamalakad naman daw ang pag-uusapan tungkol kay Vic, “Well, he has his own company, number one, and I think maayos niyang napapatakbo yun.
“In terms of education, I think he finished college, I think he did, if I’m not mistaken.
“He’s a hard working person.”
ANNIVERSARY CONCERT. Sa September 17 ay birthday na ni Aiza. Ano ba ang balak niyang gawin sa kanyang birthday?
“Gusto kong magbakasyon. Kahit saan, basta makapagbakasyon lang, makapag-dive, makaakyat ng bundok.”
Isang espesyal na concert naman ang hinahanda ni Aiza para sa kanyang 25th anniversary sa show business.
Ang kauna-unahan niyang major concert titled Bente Singko na gaganapin sa darating na September 28 sa Smart-Araneta Coliseum.
“I’m also co-producing this concert with Joed Serrano ng That’s Ntertainment Productions.
“Di ako masyadong nakaka-focu. Oh, my God, malapit na!” sabi ni Aiza tungkol sa kanyang nalalapit na concert.
“Kumbaga, every day, may production issues. Ganun ang mga issues na dumarating sa akin. So, di ko napapansin na malapit na pala, kasi there are production issues coming per day. Like stage design, guest na ito, mga ganun.
“Di na ako magbebestida," aniya na ang tinutukoy ay ang ginawa niyang pagbebestida nung unang concert niya na Pagdating ng Panahon nung 2001. Doon din kasi siya nag-celebrate ng kanyang debut o 18th birthday.
"And I made it clear na musical concert siya talaga. It’s not a variety show type of thing na may fireworks, kakakanta kami, yun ang mangyayari.
“Nandun si Bossing of course, Tito Joey, Bayang Barrios, Cookie Chua, The Company. Sessionistas, kasama ko. Gary V [Valenciano], Martin [Nievera], hopefully Gloc9 will make it and ABS Philharmonic.
“Para ito na yung maka-count ko na major talaga, e.
“Ako ito, mag-isa ako dito. First time lahat, first solo na ako lang. Para sa akin major, major ito.”
SHOW’S HIGH RATINGS. Masaya naman si Aiza sa patuloy na mataas ng ratings ng Be Careful With My Heart, kunsaan ginagampanan niya ang role na Kute, ang kapatid ng character ng isa sa bida ng show na si Jodi Sta. Maria.
“I’m happy dahil I’m part of the cast nito,” sabi ni Aiza.
“Bukod sa maganda yung kuwento, walang pataasan ng ihi, walang, ‘Mas magaling ako,’ ‘Mas magaling si Ganito…’ Walang ganun.”
At kagaya ng mga sumusubaybay sa show, hindi rin daw nila talaga alam kung ano ang mangyayari sa show, kada week.
“Kami mismo di namin alam kung ano ang aabangan. Ang script dumarating sa amin per week.
“So, kahit kami, ‘Ok, ganito pala ang mangyayari. Ah, ganito na pala.’
“Siguro what they can expect from us is talagang in every story na ibibigay sa amin, we’ll do our best talaga to make it natural, to make it relatable sa mga tao.
“Kasi ito ang buhay e di naman buong buhay, mayroon kang kaaway na kapitbahay na nagsisigawan kayo.
“Ang buhay naman simple lang, e. ‘Pag nabuntis ang anak mo, it’s either you accept it or not.
“You don’t have to shout all the time, you don’t have to cry all the time.”
May pressure ba na dulot sa kanila ang mataas na ratings ng show?
“Napag-usapan namin ‘yan before. Ako, yung direktor namin, and the whole casts.
“We’re happy na heto, na mainit ang pagtanggap ng tao, but we don’t want to put pressure on ourselves.
“Ito blessing ito because we believe na ginagawa namin ang mga the best na dapat naming gawin.
“Ang masasabi ko, walang pressure on our part kasi alam namin ang ginawa namin, we’re on the right track.
“Kasi feeling namin, ‘pag you overcompensate, masisira ang formula. At ang formula is being natural, the reason why people like it.
“Kung ano lang ang nangyayari sa buhay, e. So, we don’t want to overcompensate yung arte. We don’t wanna change that.”

No comments:
Post a Comment