Saturday, September 29, 2012

Edgar Alan Guzman believes he deserves his youth achievement award

Sa kagaganap na Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS Awards, isa sa napiling bigyan ng German Moreno Youth Achievement Award si Edgar Alan Guzman. Nabigyan din ang ilang mga kapamilya stars tulad nina Daniel Padilla, Enrique Gil at Jessy Mendiola.

Hindi maitago ni Edgar Alan ang tuwa sa pagtanggap ng parangal. “Masaya ako kasi isa ako sa mga napili ni Kuya Germs na maging ehemplo sa lahat ng nangangarap na maging artista so proud ako sa sarili ko na nakuha ko itong award na ito.”

Sa katulad ni Edgar Alan na unti-unting gumagawa ng pangalan sa showbiz, hindi maiiwasang may kumewestiyon na ilan kung deserving siya sa kanyang nakuhang award sa FAMAS. “Yeah I think so kasi nag umpisa talaga ako from scratch, na nag umpisa ako sa contest bilang batang nangangarap mag-artista, matulungan yung pamilya. So sa tingin ko isa din yun sa mga tinignan ni Kuya Germs maliban sa mga projects na meron ako. And sumali ako sa contest na wala akong pera at siguro nakatulong din sa akin yun para maging isang mabuting tao, magaling na artista at makuha ko ang award na ito.”

Noong nakaraang Sabado ay nag-trending din sa mga social media networks ang naging pagganap niya bilang klosetang bakla na nangangarap maging seaman sa Maalaala Mo Kaya. Nang makuha ng Push.com.ph ang reaksiyon niya sa magandang pagtanggap ng tao sa kanyang karakter dito, “Yun lang naman e. Ang gusto ko lang naman magustuhan nila yung pagganap ko, maintindihan nila yung story at kumbaga makarelate sila at mag-enjoy sila sa pagpapatawang ginawa ko bilang gay. At first time kong gumanap sa isang drama comedy na bakla kaya very proud ako sa sarili ko. Gusto ko lang sabihin na mahal ko ang gay community at mga becky diyan.”

At napag-usapan din ang pagpapanood ni Philip Salvador na siyang orihinal na Gino Sanchez sa Bona na ginagampanan ngayon ni Edgar Alan sa stage play adaptation nito. “Para sa amin ni Ate Uge (Eugene Domingo) yun yung gabing pinakamasaya kami hindi namin ineexpect na kumpleto e. Nandun si Ate Guy (Nora Aunor) at Kuya Ipe at binigyan pa kami ng Gawad Pagkilala so para sa amin isang achievement nanaman yun. Napansin at nakita nila na maganda ang pagre-remake namin ng Bona at kumbaga nung gabi na iyon speechless ako at sobrang kinakabahan ako e. Pero nung umakyat kami sa stage nawala yun. Napalitan ng saya at proud sa sarili.”

No comments:

Post a Comment