“Seventy percent complete” na raw ang ginagawang pelikula ni Enchong Dee na The Reunion.
Kasama niyang magbibida sa naturang pelikula sina Xian Lim, Enrique Gil, at Kean Cipriano.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Enchong noong May 8 sa Jollibee Roosevelt branch, sa San Juan City, para sa launching ng bagong float flavors ng naturang fastfood chain.
Kuwento ng Kapamilya young actor tungkol sa ginagawa niyang pelikula, “Sa buong script, papunta na kami sa ending part.
“So, masaya ako kasi no’ng nagsisimula kami, hindi namin alam kung paano kami magkakaro’n ng chemistry—kami as barkada.
“Kasi hindi naman kami gano’n ka-close to begin with, pero along the way, doon na-build ‘yong friendship.
“Kaya sana mag-reflect din do’n sa pelikula.”
NO COMPETITION. Sa kanilang apat, si Enchong ang may pinakamaraming exposure pagdating sa pag-arte.
Gayunman, sinabi ni Enchong na walang anumang kumpetisyon sa pagitan nilang apat.
“Kasi ‘yong pelikula is also an ensemble of a lot of artists,” paliwanag niya.
“Kumbaga, you just have to be open na lahat kayo will have your own moments, will have your own stories at the same time.
“And pinakamaganda kasi do’n, ang pinakabida talaga is ‘yong reunion na plot, hindi ‘yong mga artista.
“Kaya siguro ang pinaka-importante is ‘yong teamwork naming lahat.”Ngunit hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ni Enchong ang pagpayag ng pamilya ni Julia na maligawan ito.
“Uhm, sa takdang panahon pa rin,” sagot niya nang aming kumustahin ang panliligaw niya kay Julia.
“Sabi ko nga, kapag nasa tamang edad... kailangan mo kasing respetuhin ‘yong kagustuhan ng lola niya, ng mama niya, ng management.
“So, kumbaga, learn how to wait.”
Bagamat hindi pa pormal na makapanligaw si Enchong kay Julia, natutuwa raw siyang may natututunan sila sa isa’t isa.
'Tulad na lamang daw nang matuto siyang “mag-relax” mula sa trabaho.
“[Tinuruan niya ako] how to relax, learn how to take the time na puwede kang matulog, mag-relax.
“Kasi mahirap kapag palagi kang trabaho nang trabaho, minsan nabe-burnout ka," sabi ni Enchong.
Aminado si Enchong na dati’y workaholic siya.
Paliwanag niya, “Siyempre parang andiyan lahat ng mga bagay, mga oportunidad na puwede mong makuha from the work.
“Sayang naman kung papakawalan mo ‘yon, and minsan [to] take it slow, di ba?”
NEW PROJECT. Samantala, matapos daw niyang gawin ang pelikulang The Reunion, muli raw sasabak si Enchong sa isang teleserye.
Ngunit sa pagkakataong ito’y hindi na ang ka-loveteam niyang si Erich Gonzales ang makakatambal niya, kundi si Maja Salvador.
“This Friday [May 11] we’ll have a story conference with the new teleserye na gagawin.
“So, talagang dapat na-maximize na namin ‘yong vacation namin kasi hanggang do’n na lang talaga, hanggang ngayon na lang talaga.“[Kasama ko] si Maja. Marami kami, pero at the moment, siya muna ang sasabihin ko.
“First team-up, first time na I won’t be with Erich.
“So, it’s a challenge, again, because it’s another chapter of your career, of whatever work you have.
“Kasi for the longest time, I’m with Erich.
“So, sana matulungan niya ako.”
JULIA MONTES. Kasama rin sa The Reunion si Julia Montes.
Hindi naman kaila sa lahat na mayroong paghanga si Enchong sa young Kapamilya actress.

No comments:
Post a Comment