Saturday, September 22, 2012

KC Concepcion on real score with French suitor

Excited na si KC Concepcion dahil magaganap na sa Oktubre 6 at 7 ang grand finals ng hinu-host niyang singing competition sa ABS-CBN, ang X Factor Philippines.

Masaya rin si KC dahil ang daming pumupuri hindi lang sa tagumpay ng show kundi pati sa ipinakikita niyang galing sa paghu-host.

Ayon kay KC, “I’m very grateful na dumating na rin yung time na kahit papaano ay nagamit ko yung experience ko as MTV VJ.

“Siguro yung four years na nandito ako na may hinost din akong shows, parang ngayon siya namumunga talaga sa mga live show.

“Kasi hindi mo alam what’s gonna happen pag live show. Kahit papaano nakakuha ako ng experience for that.

“And it’s God-willing na rin na maging continuous yung success niya, kasi hindi naman porke’t global show siya ay it means na it will do well sa bansa mo, di ba?

“Tamang-tama naman na nagustuhan ng Pilipinas ang X Factor and I’m very grateful.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si KC sa press conference ng X Factor Philippines kahapon, Setyembre 14, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Bukod kay KC, dumalo rin sa naturang event ang X Factor judges-mentors na sina Martin Nievera, Gary Valenciano, at Pilita Corrales; kasama ang Final Six ng naturang singing competition.

Hindi naman nakadalo ang isa pang judge-mentor na Charice Pempengco dahil may sakit daw ito.

PERSONAL BET. Sa ngayon, anim na lang ang natitirang finalists ng X Factor Philippines.

Sina Jeric Medina, Gabriel Maturan, at Kedebon Colim mula sa boys category ni judge-mentor Martin.

Sina KZ Tandingan at Allen Sta. Maria sa girls category naman ni Charice.

Ang Daddy’s Home na lang ang natitira sa groups category ni Gary; habang natanggal na lahat ng mga alaga ni Pilita.

May personal bet ba si KC sa Final Six?Sagot niya, “Isi-secret ko na lang po.

"Of course, meron naman. As a viewer din ng X Factor, of course, meron din akong gustong manalo sana.

“Pero depende rin sa performance kasi minsan ginugulat din kami ng mga contestant.

“Ina-underestimate mo pala pero biglang siya pala yung pinakamagaling ng araw na iyon, di ba? So, you’ll never know.”

Pero ang anim na finalists ay magiging lima na lang pagkatapos ng results night bukas ng gabi, Setyembre 16, dahil isang contestant na naman ang matatanggal. 

Kapag ganitong tanggalan, paano naaapektuhan si KC? May pagkakataon ba na sumasang-ayon siya o hindi sa desisyon?

“May mga times na, ‘Ha? Ang ganda ng performance niya kagabi, bakit siya?’ Although it doesn’t mean na I want others to go.

“Pero hindi ko lang din minsan alam kung yung nakikita ng napaka-credible na judges naman ay nakikita rin ng common na nanonood lang, na viewer.

“I mean, ako, I trust the judges. They’ve been in the industry for so long. Ang dami na nilang napagdaanan.

“So again it’s pure talent naman talaga, kung ano yung magdadala sa kanila para maging grand winner, hindi yun ang nakikita lang.

“It’s more than that like kung paano nila iha-handle ang showbiz, ano ba ang kaya nilang i-offer.

“Iba kasi ang mundo sa YouTube, iba ang mundo sa entablado, iba ang mundo sa TV, iba ang mundo pagdating sa intriga.”


BLOOMING LOVELIFE. Samantala, tila hindi applicable kay KC ang kasabihan sa showbiz na pag bongga ang career ay hindi bongga ang lovelife or vice-versa.

Kasi naman, talagang blooming hindi lang ang career ni KC ngayon kundi pati ang kanyang lovelife.

Sa nakaraang interview nga kay KC sa The Buzz ay napangalanan na ang masugid na manliligaw ngayon ng actress-TV host.Siya ay si Pierre Emmanuel Plassart, isang 29-year-old French photographer at filmmaker.

Ito raw ang bagong nagpapasaya kay KC pagkatapos ng controversial breakup nila ni Piolo Pascual noong isang taon.

Ano ang pakiramdam na parehong maganda ang estado ng career at lovelife niya?

“Ibigay n’yo na lang sa akin yun, di ba?

“Parang sana naman, sa lahat ng pinagdaanan din ng pamilya ko at ako last year, yun lang talaga yung hiningi ko na, ‘Lord, marami na rin naman akong napagdaanang criticisms, marami na rin akong napagdaanang ups and downs. Sana naman ang 2012 maging fruitful naman.’

“Yun talaga rin ang ipinagdasal ko.”



NOT IN A HURRY. May nakikita na ba siyang “X factor” kay Pierre?

“Ako naman, ayoko rin kasing masyadong i-involve yung…

“Okay, ang sa akin, kasama ko kayo nung time na mahirap talaga yung time for me.

“It was something I owed my friends, and I owed yung guy na mabait sa akin, na i-acknowledge na nandiyan siya at talagang nakapagpapasaya siya sa akin ngayon.

“But at this point, talagang natatakot pa rin ako, siyempre hindi naman biro yung napagdaanan ng family ko at saka ako last year.

“So, it was really something traumatic.

“So, ngayon, it’s nice that I’m moving on but I’m taking my time.”

Paglilinaw ni KC, hindi pa niya sinasagot si Pierre.

Aniya, “Hindi pa. I mean, hindi ko iniisip na kailangan officially kailan puwedeng sagutin or what.

“I’m going with the flow kung ano yung maging relationship.“Ang hirap din because we’re not even in the same country, so parang paano mo pagaganahin?

“But let’s wait, we’ll see. I’m not in a hurry naman.”

Sa France naka-base si Pierre at bumibisita lang dito sa Pilipinas.



DON’T WANT TO MIX LOVE WITH WORK. Magiging special guest ba ni KC si Pierre sa X Factor Philippines grand finals, lalo na’t minsan na itong namataang nanood ng live show sa PAGCOR theater?

“Hindi, hindi siya nakatira rito. Hindi siya malapit.

“I mean, you know, I’ve shared enough.

“For me, parang gusto ko manggaling sa akin and sasabihin ko sa inyo.

“Pero at the same time, he’s not artista. Wala naman siya sa showbiz para gawin kong public yung buhay niya.

“So, I wanna give the public enough para lang involved kayo.

“Pero ayoko naman ng parang masyado, kasi kawawa naman yung tao, siyempre private citizen naman yun.”

Dahil isa ngang filmmaker si Pierre at artista naman si KC, posible kayang gumawa sila ng pelikula?

“Ayoko nang i-mix yung work at personal talaga.”

Mas gusto na ba niya ngayon yung guy na hindi galing sa showbiz?

“Siguro someone who’s not in showbiz but understands my work.

“Pero siyempre, ano rin, e, you’ll never know when you fall in love, my goodness!

“Kahit sabihin mong ayoko, ayoko ng ganyan. E, pag na-in love ka, wala na, di ba?“So, for me, hinihintay ko lang talaga yung time na ako yung magle-let go.

“Kasi siyempre nakokontrol ko na, e, yung puso ko.

“Na hindi ko alam kung okay ba yun o hindi na nakokontrol ko na yung emotion ko, yung nararamdaman ko.

“Sometimes hindi puwede yun na parang maging bato ka na lang. So, that’s why I’m entertaining.

“But yun na nga, ayokong masyadong pag-usapan kasi hindi naman siya artista.”


STATUS OF HAPPINESS. Bukod kay Pierre, may ine-entertain pa ba siyang ibang manliligaw?

“I have friends… again, you’ve known that from the start, di ba? I’ve been meeting people.

“I guess, depende na lang yun kung ano yung mangyayari in time kung anong efforts yung gawin niya.

“Kasi parang mahirap na akong i-convince talaga.”

Ano ang status ng “happiness” niya ngayon?

“Siguro, secure,” sagot ni KC.

“I’m happy naman knowing na yung hard work really does pay off na, kahit papaano, parang mas relax na rin ako kasi naibahagi ko yung isang part ng buhay ko na hindi masyadong naging maganda.

“And okay lang pala, parang ganun. Hindi na ako masyadong natatakot like before na masyadong mag-share.

“Maganda rin naman yun. We’re all living our lives.

“May matututunan ako from you, may matututunan din kayo from our lives.So, I’m happy na, happy ako.”

No comments:

Post a Comment