Friday, September 21, 2012

Gerald Anderson Itinangi ang Girlfriend niya daw sa Cebu

Nabalita noon na kaya raw inayawan ng ina ni Sarah Geronimo si Gerald Anderson ay dahil natuklasan daw ni Mommy Divine na may ibang non-showbiz girlfriend ang young actor.

May nasulat pa nga na anak daw ng isang mayamang alahera sa Cebu ang sinasabing kasintahan ni Gerald.

Kaagad naman itong pinabulaanan ni Gerald nang makausap siya ng Hot Pinoy Showbiz sa ASAP 2012 noong Linggo, September 16.

Aniya, “Ayoko nang sagutin ‘yan kasi hahaba pa ‘yan, pero wala akong girlfriend ngayon.

“Hindi naman isa ‘yan sa priority ko. Kung mangyayari, mangyayari.

"Hindi naman ako lalabas para maghanap pa, darating ‘yan nang kusa.”

Consistent din si Gerald sa pagsasabing nahinto man siya sa panliligaw kay Sarah ay gusto pa rin niyang maging kaibigan ang Pop Princess.

Wala rin daw siyang pinagsisihan sa kung anuman ang nangyari sa pagitan nila.

“Oo naman, dati ko pang sinasabi sa inyo ‘yan—walang regrets, walang pagsisisi.

“Dapat laging positive ang outlook natin sa buhay.

“Maraming challenges and pagsubok sa buhay, maraming problema na mangyayari sa atin, pero kailangan nating magdasal kay Papa God and, yun, positive outlook.

“Mas maraming may problema ngayon kaysa sa atin.”

Kumpirmadong hindi na rin matutuloy ang pangatlong pelikula sana na pagtatambalan nina Gerald at Sarah. Ang gagawin ni Sarah ay ang third installment ng pelikula nila ni John Lloyd Cruz.

Ayon kay Gerald, fan siya ng tambalan ng dalawa at papanoorin niya ang pangatlong pelikula ng mga ito.

SOAP WITH CRISTINE. Matagal-tagal na ring hindi napapanood sa primetime si Gerald pagkatapos ng Budoy. Pero masayang ibinalita ng young actor na may bago siyang soap na sisimulan kung saan makakapareha niya si Cristine Reyes.

“After Budoy, mauulit  ako sa primetime, so excited ako.

“Sobra akong nagpapasalamat kasi pinaghandaan ng ABS at ni Sir Deo [Endrinal, ABS-CBN business unit head] yung soap.

“Mag-i-start na kami ng bagong soap, malapit na malapit na ‘yan.”

Handa na ba si Gerald na gumawa ng mature and daring scenes na kasama si Cristine?

“Siyempre, kung ikagaganda ng istorya, bakit naman hindi, di ba?

“Saka si Cristine ang isa sa pinaka-sexy, pinakamaganda, at magaling pa siya.

“Actually, may dapat silang abangan,” saad niya.

Si Cristine ay girlfriend ng matalik na kaibigan ni Gerald na si Rayver Cruz. Paano kung ma-link sina Gerald at Cristine?

“Ganun talaga, pero hindi ko naman iniisip yun. Gagawin lang namin pareho ang trabaho namin,” sagot ng young actor.

PEACE AMBASSADOR. Kamakailan ay napili si Gerald bilang isa sa peace ambassadors ng MalacaƱang kaugnay ng "I Am for Peace" campaign ng Pangulong Noynoy Aquino.

Kasama ni Gerald dito sina Anne Curtis, Megan Young, Mikael Daez, Kiray Celis, Igi Boy Flores, apl.de.ap, Rovilson Fernandez, Arnold Galang, at Aly Borromeo.


(CLICK HERE to view photos.)

Ipinagpapasalamat ni Gerald ang iniatang sa kanyang responsiblidad lalo’t may personal daw siyang karanasan tungkol sa terorismo.

“Siyempre nakakatuwa saka sobra akong masaya kasi nabigyan ako ng pagkakataon para makatulong sa iba, sobrang fulfilling yung gagawin namin.

“Iba-iba, marami kami, pero iba-iba ang gagawin.

“Ako, gusto ko pupunta sa mga devastated na mga areas, para makita ko rin.

"At sana kahit papaano ma-inspire ko ang mga tao dun kasi kailangan nila yun, e. To promote peace.

“Ilang tao pa ang kailangang mamatay, ilang sundalo pa… ilang pamilya pa ang mawawalan ng mahal sa buhay?"

Hindi ba siya kinakabahan na baka malagay sa panganib ang kanyang buhay dahil dito?

“Hindi, kumbaga, ano man yun—sundalo man, government, Abu Sayyaf—lahat sila ipinaglalaban ang paniniwala nila, ang mga prinsipyo nila.

“Sana lang sa campaign na ito, marami ang ma-inspire, magising, at matututo kung ano ang mga nangyayari.

“Sana magtulung-tulong tayo.”

Ikinuwento rin ni Gerald ang mga personal niyang karanasan sa General Santos City, kung saan nasaksihan niya ang terorismo at kaguluhan sa kinalakhang lugar.

“Oo, naranasan ko yun mismo.

“Nung isang beses, kasama ko ang nanay ko sa mall tapos biglang ni-lock kasi hinahanap nila yung bomba at inilabas nila sa parking lot.

“Narinig pa namin nung sumabog, talagang akala mo may earthquake, may lindol.

“Mayroon din naman malapit sa school ko, sa mall din, sumabog din yung isang part ng mall.

“Tapos ngayon, nandito ako, mayroon akong pagkakataon para ma-promote at ma-prevent yung ganung mga klaseng bagay na sana hindi na mangyari.

“Nung nangyari yung mga nangyari sa GenSan, nung nandun pa ako, kumbaga, naging blessing na rin ang pagiging peace ambassador ko

“At least, heto na ako, may chance na ako para makatulong sa kanila—hindi lang sa GenSan kundi sa buong Pilipinas."

Ayon kay Gerald, ang kanyang ama ang isa sa inspirasyon niya kung bakit tinanggap niya ang pagiging peace ambassador.

“Ganun din ang ginagawa ng dad ko ngayon.

"Yung dad ko nasa Cairo, Egypt mismo. MFO, Multinational Force Observer ang trabaho niya dun.

“Kumbaga, siya saka yung team niya nagpi-prevent ng violence na mangyayari between Israel and Egypt.

“Siyempre sa edad ng dad ko na almost sixty-five, ginagawa niya pa rin yung ganung klase ng trabaho.

"Gusto kong gawin yung part ko naman,” saad ni Gerald.

No comments:

Post a Comment