Abalang-abala ngayon si Jennylyn Mercado sa kabi-kabila niyang projects sa GMA-7.
Bukod sa afternoon soap opera na Hindi Ka Na Mag-iisa, host din si Jen ng talent search show na Protégé at ng entertainment talk show na H.O.T. TV.
Regular performer din siya sa Sunday noontime musical-variety show na Party Pilipinas.
Kaya naman aminado ang actress/singer/TV host na halos wala na siyang oras para sa anak nila ni Patrick Garcia na si Alex Jazz o AJ.
Ikinuwento ni Jen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press, noong Setyembre 18, sa set ng Hindi Ka Na Mag-iisa sa Quezon City, kung paano siya bumabawi ng oras sa kanyang anak.
“Ang ginagawa ko na lang, pagkatapos ng Protégé, tutal hindi naman siya masyadong matagal, gagawin ko na lang, minsan magre-request ako ng maagang taping sa kanila, para maaga akong matatapos.
"Pagdating ng five p.m., puwede na kaming mag-mall.
“Minsan isinasama ko na lang siya sa live show, sa Party Pilipinas, kasi 'yon na lang po talaga halos ang natitira kong oras, e, wala na po talaga.”
NO SHOWBIZ FOR AJ. Tuwing wala sa bahay si Jen, kasama raw ni AJ ang kanyang Lola Lydia at yaya.
Ayaw ni Jen na iwan lang mag-isa sa yaya si AJ. Mas kampante raw kasi siya kung mayroong kamag-anak na nagbabantay sa kanyang anak.
Aminado ang Kapuso star na “overprotective” siya sa kanyang anak.
Kaya bukod sa pagsisiguro na malayo sa kapahamakan ang anak, ayaw rin ni Jennylyn na madamay ito sa mga isyung ipinupukol sa kanya sa showbiz.
"Uhm, sa akin kasi, yung professional life ko... yung private life ko, open naman 'yon, e, alam naman nila kung ano'ng nangyari sa buhay ko.
“Pero may mga bagay talagang hindi ko puwede ilabas. Like mga personal stuff, like sa family ko, ayoko na masyadong…
"Lalo na 'yong anak ko, overprotective talaga ako.
“So 'yon, naiintindihan naman na nila ako, alam nila na pagdating sa baby ko, talagang very sensitive ako, ayaw ko talagang ginagalaw siya dahil iba talaga.
“So medyo emotional ako pagdating sa mga ganyang bagay.”
Kung sakali din na maisipan ni AJ na pasukin ang mundo ng showbiz, papayag lamang daw si Jen kung tapos na ito ng pag-aaral.
Ngunit kung commercials lang naman daw ay papayag siya, basta pumayag din ang ama ni AJ na si Patrick Garcia.
Wika ng Kapuso actress, “Karapatan 'yon ni Patrick, na malaman kung anuman ang nangyayari.
“Isa 'yon sa mga karapatan niya as a father, ayaw ko naman ipagkait 'yon.”
HER LOVELIFE. Kung wala na halos oras si Jennylyn sa anak na si AJ, ganoon din daw sila ng kanyang nobyo na si Luis Manzano.
Hindi naman ito isyu sa kanilang dalawa, dahil tulad ni Jen, abala rin si Luis sa mga shows nito sa Kapamilya network; tulad ng Kapamilya Deal Or No Deal at ASAP 2012.
Bukod sa palitan ng text message at pagtatawagan, sinabi ni Jen na minsan ay nagpupunta si Luis sa set ng kanyang trabaho.
"Hindi niya lang ako mapuntahan dito. Kasi usually Pampanga po talaga kami, bihira kami sa Quezon City.
“So halimabawa sa Protégé or sa Party Pilipinas, ganyan, pupunta po siya.”
Pero kung plano tungkol sa pagpapakasal ang pag-uusapan, isang mabilis at natatawa na “wala po” ang sagot ni Jen.

No comments:
Post a Comment