Umalis na nga papuntang America si Gretchen Barreto para samahan ang kanyang anak na si Dominique para sa theater camp nito sa New York City. Isang buwan na magtatagal doon si Gretchen pero bago pa man ito umalis, natanggap na nga niya ang dalawang magandang balita. Una, ang gold record award niya sa Star Records para sa kanyang CD na Complicated. Pangalawa, ang teleseryeng gagawin nya kasama ang kanyang kapatid na si Claudine Barreto. "Magpapahinga ako sa America, dahil pagbalik na pagbalik ko, magtetaping na kami ng teleserye with Claudine Baretto. Of course, with ABS-CBN. Nagmeeting na kami, so pagbalik ko, taping na kami." paliwanag niya.
Nagbahagi ng ilang detalye si Gretchen. "Well, with Claudine Baretto. Magkapatid kami dito sa teleserye. At lahat talagang aabangan ninyo dahil surpresa ang gagawin namin para sa lahat. At excited na excited ako kasi si Claudine ay tinatawag nilang teleserye princess, ‘di ba? Kaya it’s my honor to be working not just with my sister, but with a very good actress."
Aminado si Greta na noong una ay ayaw niya talagang gumawa ng pelikula o teleserye dahil hindi raw niya kaya ang pagod at puyat sa magdamagang taping. Pero noong nalaman niya na si Claudine ang kanyang makakasama dito, hindi na raw siya humindi at umoo agad. Naikuwento nga sa amin ni Greta ang nangyari noong natanggap niya ang magandang balita. "Eto nga nakakatawa. Nag-presscon ako para sa Complicated CD and tinatanong nila ako 'gusto mo bang magkaroon ng teleserye?' sabi ko, 'hindi ko kaya ang mag-puyat!' Baka hindi ko kakayanin, ayoko. Pero nung tumawag si Claudine sa akin, at yung Channel 2 at sinabing, 'naku meron na kaming storyline, gagawin na yung script kung mag-oo ka!' Right away, kakayanin ko yung puyat. Kakayanin ko yung taping, basta si Claudine Baretto yung kasama ko. Kasi siyempre, alam naman natin na si Claudine eh marami nang acting awards, so, gusto ko mainspire at gusto kong matuto din from her. Kasi siyempre, pioneer na siya sa mga teleserye. So nag-promise naman siya na tutulungan niya ako." kuwento ni Greta.
May idea na ba si Greta kung kelan ito ipapalabas sa ABS-CBN? "Hindi ko pa alam kung kelan nila ipapalabas. Ite-tape muna namin lahat parang sine, saka ipapalabas." Bilang pagtatapos, nagbigay na ng mensahe si Gretchen sa lahat ng mga Kapamilya viewers, "Naku, maeexcite po kayo. Pangako po namin sa inyo, sa publiko na talagang mag-eenjoy kayo sa teleserye dahil it’s a fresh story, its exciting in every way." At sa unang pagkakataon ang masasabi na niya sa kanyang sarili na Getchen Baretto now is a certified Kapamilya! Good luck!

No comments:
Post a Comment