Saturday, September 22, 2012

Regine hindi daw insecure kay Sarah Geronimo

Isang blooming at very beautiful na Regine Velasquez ang humarap during the press launch ng kanyang latest album entitled Low Key under Universal Records nitong Biyernes, November 14.



Unang nilinaw ni Regine na ang kanyang paglipat sa Universal Records mula sa kanyang Viva family ay may basbas ni Boss Vic. “I haven’t been with them for quite a while now. Kaya nga I was able to do an album with Star Records for Paano Kita Iibigin. Pero they are still my friends. Boss Vic is like my tatay, so okay naman sila. Actually freelance naman ako, may contract lang ako with Universal for this album. So, I can still do an albm with Viva kung gagawa kami ng pelikula or kung ano man,” dagdag pa ng songbird. Pinabulaanan din ni Regine na hindi siya inimpluwensiyahan ni Ogie Alcasid na naka-pirma din ngayon sa Universal Records.



Pinaliwanag ni Regine na kaya Low Key ang titulo ng kanyang CD ay sa dahilang mga “laid-back” at “mellow” ang mga kantang kasama dito. Mga revival at personal choices ang mga tracks na may kasama pang minus one. Natawa din si Regine sa intrigang isa sa mga kanta sa album ay ang kanyang wedding song. Marami pa raw dapat ayusin si Ogie para pag-usapan ang pagpapakasal.

“We still have to settle a lot of things, and as soon as we settle that, of course we already know what that is, so ayaw ko na munang isipin ngayon Hindi natin alam kung ano ang magiging resulta eh. Ayusin muna natin yun and then after that, we can plan,” sabi ni Regine.



Muli na namang umaalingawngaw ang intrigahan sa pagitan ni Regine Velasquez at ang sinasabing sumusunod sa kanyang yapak na si Sarah Geronimo, dahil sa very successful concert nito sa Araneta Coliseum kamakailan. “I’m very very proud of her. As you all know, I really really love that kid. She’s like my child. And she loves me to pieces. Nanay niya ako. I really am so proud of her. Yung sinasabi nilang she’s gonna be the next Regine Velasquez, for me nga that’s an honor. Kasi nga ako yung parang benchmark. Kasi nga noong araw, parang ako lang yung sinasabihan na ‘you’re gonna be the next ganito, ganyan’, but even before hindi ako naniniwala na may pinapalitan ka. I don’t mind (being compared). Kasi ganoon naman yun, even I were compared to ZsaZsa, to Kuh, to everybody. To my mentors also. Pero like I said, Kuh Ledesma will always be Kuh Ledesma. Sharon Cuneta will be Sharon Cuneta. So Sarah, will be Sarah” paliwanag ni Regine.



Hindi nga raw dapat The Next One ang naging title ng concert ni Sarah, kung hindi The One na daw dapat

No comments:

Post a Comment