Saturday, September 22, 2012

Nadine Samonte Breaking up with non-showbiz Boyfriend

Kinumpirma ng Kapatid star na si Nadine Samonte na tuluyan nang nagtapos ang ilang taon din nilang relasyon ng non-showbiz boyfriend niyang si Emerson Chua.

Sabi ni Nadine sa Ang Latest ng TV5 noong nakaraang linggo, hiwalay na sila ni Emerson, pero ayaw muna niyang idetalye kung paano nila tinuldukan ang matagal-tagal na rin nilang relasyon.

Aniya, “Ayoko munang magsalita kung hindi ko pa alam ang isasagot ko.”

Pero ayon sa sources ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), si Nadine daw ang nakipaghiwalay kay Emerson.

Matagal nang boyfriend ni Nadine si Emerson pero nagkahiwalay din sila noon.

Nagkaroon ng ibang boyfriend si Nadine sa katauhan ng aktor na si Leandro Muñoz, pero short-lived lang ang kanilang naging relasyon.

Sa presscon noon ng Valiente, inamin ni Nadine na nagkabalikan na ulit sila ni Emerson.

Sabi pa ng aktres, parang kumpleto na ang kanilang buhay pag-ibig at nakikita daw niya na si Emerson na ang kanyang makakatuluyan habang buhay.

Kaya naman nagsulputan ang mga balita noong malapit na silang ikasal. (CLICK HERE to read related story.)

Pero sa panayam sa kanya ng Ang Latest, sabi ni Nadine, “Nabalita yung kasal pero we’re not.

“Kasi naman, e, dapat sinasala na lang questions, e.

“Siguro on that matter, wala munang kasal na pag-uusapan.

“Relationship? I’ll talk na lang pag ready na ako. We’re good friends now.”

May pag-asa pa bang magkabalikan sila for the third time ni Emerson?

Sagot ni Nadine, “Sa ngayon, hindi ko pa kasi masasabi, e. Parang mahirap sabihin kung magiging okey pa ang lahat o hindi na.”



Pero aminado naman ang StarStruck alumna na may naramdaman pa siyang pagmamahal sa longtime boyfriend niya.

Dagdag niya, “Hindi naman agad-agad mawawala yun, e.

“For seven years, hindi agad mawawala yun. It’s still there naman.

“Pero I’m fine and I think he’s fine din naman, e.”



STAGE ACTRESS. Kahit medyo malungkot ang buhay pag-ibig ngayon ni Nadine, abala naman daw siya sa kaliwa’t kanang proyekto.

Katunayan, sumabak na rin siya sa stage acting sa pamamagitan ng The Seagull (Ang Tagak) ng Dulaang UP.

Kuwento ni Nadine, “Kasi si Direk Tony Mabesa, nakasama ko siya sa Valiente.

“Then after that, during Valiente time, tinanong niya kung gusto kong mag-play.

“Sabi ko, okey, sige. Hindi ko alam na ganito pala kabigat.”

Sa bagong yugto na ito ng kanyang karera, ang pagpasok sa theater, ay magiging palaban na raw si Nadine kahit pa may mga kissing scenes on-stage siyang gagawin.

Sabi niya,“Why not? Sa akin talaga, work... work lang talaga, e.

“Mas maganda yung iba-ibang roles ang nakukuha mo. Iba-ibang acting yung nagagawa mo. Iba-iba yung strategies mo.

“Mas gusto ko yun.”

Aniya pa, “Sobrang blessed na nakasali ako sa ganito. Kasi bihira lang kasi yung gano’n.

“May mga staff, like sina Direk [Tony], na co-actors na tutulong sa iyo.

“Ang saya! Gusto mo na may tutulong pa sa iyo.”

Isa pa sa mga pinagkakaabalahan ni Nadine ay ang Sunday variety-game show ng TV5 na Game N’ Go.

No comments:

Post a Comment