Ang iba’t ibang social media sites ang nagiging paraan ng fans upang makausap o makakuha ng update tungkol sa mga paborito nilang mga celebrities.
Kaya naman sa October 2012 issue ng YES! magazine ay gumawa sila ng listahan ng “20 Most Influential Celebrity Netizens.”
Ang listahan ay base sa findings ng “startup company” na Klout, kung saan inaalam nila kung gaano kalaki ang impluwensiya ng isang tao sa mga netizens sa pamamagitan ng mga sumusunod:
“Twitter followers, the frequency of your updates... the number of likes, retweets, and shares that your update receives.”
Ang nanguna sa listahan ay ang singer/theater actress/columnist na si Lea Salonga (@MsLeaSalonga), na may 1,163,706 followers at Klout score na 82.86.
Sa Facebook message niya sa spot.ph ay ito ang naging reaksiyon ng international stage star sa pangnuguna niya sa THE YES! LIST:
“I receive this news with my jaw on the floor in utter disbelief.”
Ang mga sumunod kay Lea na nasa Top 5 ay sina Bianca Gonzalez (@iamsuperbianca), Iya Villania (@iyavillania), Julia Montes (@montesjulia), at Angel Locsin (@143redangel).
GERALD-SARAH LOVE STORY. Bukod sa “20 Most Influential Celebrity Netizens,” tinalakay rin sa October issue ng YES! ang naudlot na "love story" nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson.
Dito’y mababasa kung paano nagsimula at nagtapos ang “kilig” sa pagitan ng dalawang Kapamilya stars.
Mula sa statement ni Gerald na: “We started out as friends lang. BBM [Black Berry messenger], text-text. Wala, e, it just turned out one day, hindi ko na sasabihin kung kailan, I knew it! There’s no turning point. Ito na ‘yon. Yeah, ‘yon!”
Hanggang sa aminin ni Gerald na huminto na siya sa panliligaw, at sabihin ni Sarah na: “Hindi po, sa totoo lang talaga, hindi po ang mommy ko ang nagpatigil kay Gerald na manligaw. Wala.”
Marami pang ibang panayam ng YES! sa kanilang mga “sources,” sa kung ano ba ang nangyari sa dalawa sa likod ng camera.
Basahin ang buong listahan ng “20 Most Influential Celebrity Netizens” at ang “Sarah-Gerald What Might Have Been” story sa October issue ng YES! Magazine.
Mababasa rin sa October YES! issue ang kuwentong "Through the Years" tungkol kay Zsa Zsa Padilla post-Dolphy, na may kalakip na mga litrato mula sa facebook account mismo ni Zsa Zsa.
Binigyan ng Divine Diva ng permiso ang magasin upang gamitin ang mga litrato ng mga biyahe nila ni Dolphy, mga Christmas celebrations ng pamilya Quizon, at marami pang personal na events sa buhay ng yumaong King of Comedy.
Nasa October isyu rin, sa "Celebrity Homes," ang well-appointed condominium unit ni James Yap.
At nagpaunlak ang media-shy na ex-husband ni Kris Aquino ng mahabang interbyu.
Mabibili na ang YES! October 2012 edition sa mga newsstands, bookstores, at supermarkets nationwide.
Para sa mga international buyers, maaaring mabili ang digital version nito sa www.yesdigital.com.ph.

No comments:
Post a Comment