Wednesday, October 3, 2012

Bea Alonzo on possibility of reclaiming Box-Office Queen title

Nagkaroon ng victory party ang cast at production crew ng Star Cinema movie na The Mistress noong Lunes, October 1, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Ayon sa Star Cinema, umabot na raw sa P300 million ang kinita ng pelikulang ito na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Now on its third week of showing, ang The Mistress na rin daw ang biggest hit ng 2012, so far.

Kung magtutuluy-tuloy ang magandang performance ng The Mistress sa takilya ay maaari raw nitong mabura ang record na naitala ng Praybeyt Benjamin (2011) bilang highest-grossing Filipino film of all time.

Ang Praybeyt Benjamin, na pinagbidahan ni Vice Ganda, ay kumita ng P330 million.

Bukod sa cast at production crew ng The Mistress, dumalo rin sa victory party ang top executives ng ABS-CBN na sina Mr. Gabby Lopez at si Ms. Charo Santos-Concio at ang manging director ng Star Cinema na si Ms. Malou Santos.

VERY HAPPY. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bea, nagpahayag ng sobra-sobrang pasasalamat ang aktres sa mainit na pagtanggap ng publiko sa muling pagtatambal nila ni John Lloyd.

“I’m very happy… very, very happy na marami ang naka-appreciate.

"Kasi nga, pinag-uusapan nga namin kanina, talagang hindi namin na-foresee na ganito, na this would be this successful.

“We’re hoping na sana kahit papaano kumita kasi nga [pang-] adult siya.

“Hindi mo ine-expect na lahat ng tao… at may question of morality pag tiningan mo sa title.

"Kaya very, very happy kami na naging open-minded ang audience talaga, yung Filipino audience.”

Ngayong patuloy pa ring pinipilahan sa mga sinehan ang The Mistress, marami ang nagsasabi na tiyak na ito raw ang magbabalik kina John Lloyd at Bea ng Box-Office King and Queen titles na pareho nilang hinawakan noong 2007.

Ano ang masasabi ni Bea dito?

“Sana, I’m wishing na magkatotoo ‘yan, pero it’s too early to tell, e.

“Hindi pa tapos ang taon, mga tatlong buwan pa, so gusto ko sanang mangyari yun, I wish, pero mahirap yatang i-claim ‘yan.”

Para kay Bea, very timely rin ang The Mistress para sa 10th anniversary ng tambalan nila ni John Lloyd.

“Nakakatuwang isipin na nangyari ang lahat ng ito sa tenth anniversary namin so napakalaking gift nito for us.”

TELESERYE. Bukod sa pelikula, tiyak ding ikatutuwa ng Bea-John Lloyd fans ang pagtatambal muli ng kanilang mga idolo sa teleseryeng A Beautiful Affair, na kinunan pa ang ilang mga eksena sa Vienna, Austria.

Ayon kay Bea, “Mag-e-air siya by the end of October.

“May kaunti-kaunting pressure kasi nga kasi manggaling kami dito [The Mistress], pero ine-enjoy namin kasi ibang-iba yung, project so talagang malabong ma-compare.

“Yung commitment na ibinigay namin dito sa The Mistress, yun din ang ibinibigay naming commitment dito sa A Beautiful Affair.”

No comments:

Post a Comment