Wednesday, October 3, 2012

Elmo Magalona on U.S. trip with Julie Anne San Jose

Ipinalabas na last Sunday, September 30, sa Party Pilipinas ang music video ng second single ni Julie Ann San Jose na pinamagatang “Enough” mula sa self-titled album niya.

Kinunan ang music video sa sa San Francisco at Los Angeles, sa California, matapos ang show ng GMA-7 variety-game show na Manny Many Prizes.



Nag-guest sa show ni Manny Pacquiao si Julie Anne at ang ka-loveteam niyang si Elmo Magalona.

Ang leading man ni Julie sa kanyang bagong music video ay isang American actor. Pero sa bandang huli ng video ay may brief appearance si Elmo.

THE U.S EXPERIENCE. Pagkatapos ng live airing ng Party Pilipinas sa studio ng GMA-7 noong Linggo, ikinuwento ni Elmo sa Hot Pinoy Showbiz ang naging karanasan niya sa U.S. trip at pati na ang laman ng music video ni Julie.

“Nine days ‘ata kami doon dahil sa Manny Many Prizes talaga and, yun din, nasama na rin yung paggawa ng music video ni Julie Anne.

“Parang pinag-isipan na rin nila na gawin yung music video sa States tutal nandun na rin lang kami.”

Ang nagdirek ng music video ni Julie Anne ay si Mark Reyes.

Para mas mabigyan kami ng malawak na overview kung ano ang laman ng music video, nagtuluy-tuloy na rin ng paliwanag si Elmo.

“Kasi ‘Enough’ yung title nung music video, so parang ayaw na niya, hindi na niya kaya yung relationship niya with the guy…

“Ano lang naman siya, konting part lang naman yung participation ko dun. Parang nagpakita lang ako.

“Kasi siyempre, yung theme ng music is breaking up, so hindi talaga ako yung kinuha nila na maging leading man.”

Alam ba niya na foreigner ang magiging leading man ni Julie sa music video?

“Uhm, dun na rin namin nalaman,” sagot ni Elmo.

Ano ang naging reaksiyon niya nung malaman niya? Hindi ba siya nagselos?

Nakangiting sabi ng young rapper-actor, “Hindi ko siya na-meet, e. Hindi ko siya na-meet nung nandun kami.

“Pero nakita ko naman. Bagay naman sila.

“At least, meron pa rin namang Julie Anne-Mo na factor dun sa music video, kaya may something for the fans.”

Nag-enjoy raw si Elmo sa buong trip nilang ito sa Amerika.

Lahad niya, “Masaya… the whole experience. Kasi nalagyan pa rin namin ng time na mag-ikot around L.A. at San Francisco.

“Ayun, nag-enjoy kami at nakapag-Universal, Disneyland, nag-Warner Bros. kami.

“Nakapanood pa kami ng Ellen…

“So, ang dami naming nagawa for one week.

“So, very happy talaga ako for the whole trip.”

MOMENTS WITH ELLEN. Ipinakita sa Party Pilipinas ang mga nakunang eksena nina Elmo at Julie sa panonood nila sa Ellen DeGeneres Show. Ipinalabas din ang isang eksena na nagsayaw silang dalawa ng “Gangnam Style.”

Sabi ni Elmo, “Oo nga, e, pero hindi siya ipinalabas sa show. Hindi siya inilagay on-air pero nasa YouTube siya. Pinost siya.

“Hindi ipinalabas sa show pero in-upload siya ng staff ng Ellen sa YouTube. So, makikita siya ng mga tao.”

Kung ang ibang nagnanais manood ng Ellen ay naghihintay pang ma-approve online, naging madali raw para kina Elmo at Julie Anne ang makapasok para maging audience ng show.

Isang Filipino raw ang nagpasok sa dalawa sa studio.

Kuwento ni Elmo, “We were privileged nga na parang… he helped us get tickets para makapanood kami.

“Ayun, ang guest doon sina Clint Eastwood; si Pattie Mallette, yung nanay ni Justin Bieber; at si Carly Rae Jepsen, yung nagpapatok ng ‘Call Me Maybe.’ Pinerform niya yun.

“Bago nga mag-start yung show, si Ellen inikot niya yung buong audience and my part na nag-stop siya doon sa aisle namin.

“Si Julie yung nasa pinakadulo ng upuan. Ayun, sumayaw silang dalawa.

“Sobrang nakaka-excite yung experience na yun.”

Hindi ba nalaman ni Ellen na mga artista sila ni Julie Anne na galing Pilipinas?

“Hindi, e... pero feeling ko naman bumilib sila sa amin na parang game kami sa pagsasayaw, sa pag-i-interact kasama ng lahat.”

Marami raw ang nanghinayang na hindi ipinalabas ang “Gangnam Style” dance nina Elmo at Julie Anne sa Ellen.

Nakangiting pagkikibit-balikat ni Elmo tungkol dito, “Okey lang, e, kahit hindi siya ipinalabas.

“For us, sobrang ganda na ng experience na yun, lalo yung makapanood ka nang live sa show sa States, parang magandang privilege at opportunity na yun, e.”

Ipinaliwanag ni Elmo kung paano sila nasalang ni Julie Anne sa “Gangnam Style” dance routine sa Ellen.

Kuwento niya, “Pre-show siya, e. Bago mag-start yung show, parang hina-hype nila yung audience nila.

“Bago mag-start yung show, bago lumabas si Ellen, yung hype ng show, tatawag sila ng tao sa audience, magpi-play sila ng music, tapos ayun!

“Kung sino lang yung game na pupunta ng stage, tapos sasayaw sila.

“Oo, minsan lang ako maka-experience ng gano’n.”



FRANCIS M. FAN. Kuwento pa ni Elmo, may nakakilala sa kanyang Pinoy cameraman ng Ellen na fan ng yumao niyang ama na si Francis Magalona.

“May isa pang gano’n na instance na nangyari and I’m very happy na meron palang Filipino na nagwu-work dun.

“Wala, parang it was our chance to represent the Filipinos.”

Paano ang naging pagkikita nila ng Pinoy cameraman? Nilapitan at kinausap ba siya nito?

“Hindi naman, pero ano siya, parang humahanga siya na humahanga talaga siya.

“Before, ikinukuwento niya na gusto talaga niyang manood ng concert ni Papa [Francis M]. Hindi niya nagawa yun.

“So, ngayong nakita niya ako dun, sobrang tuwang-tuwa siya.”

Meron ba silang photo-opportunity with Ellen DeGeneres?

“Hindi, e. Hindi puwede, e. Before the show, kailangan dun lang kami puwedeng magpa-picture.

“Parang sabi nila kung gusto raw naming magpa-picture, yun ang tamang oras para mag-picture kasi mamaya, hindi na sila papayag.

“So, yun, nag-picture-picture kami around the studio—ang laki ng  studio, sobrang ganda.

“After the show, nagbigay pa sila ng mga freebies… so sobrang saya.”

Ang isa pa sa mga hindi makakalimutan ni Elmo ay ang makasama sa studio ang Hollywood legend na si Clint Eastwood.

“Sobra, as in minsan lang yung pagkakataong iyon, talagang na-starstruck ako kahit sobrang layo ko. I mean, naririnig ko lang siya.

"Yung presence niya, sobrang honored ako.”

Siyempre, dahil first trip nila ito ni Julie Anne sa abroad na magkasama, ano ang na-discover nila sa isa’t isa na hindi nila nadiskubre kahit halos araw-araw na silang magkasama sa mga shooting, taping, at sa Party Pilipinas?

“Ang difference nun, dito marami kaming mga kasama. Dun, naka-focus lang kaming magkakasama, as one group lang, kasi konti rin lang kami.

“Ayun, umiikot kami around San Francisco, L.A. para mag-shoot ng music video ni Julie.

“Mas naging close pa kami lalo dahil sa trip na ito, and mas naging friends pa kami.”

MAXENE & RENZ. Tinanong din ng Hoy Pinoy Showbiz kay Elmo ang napapabalitang bagong boyfriend ng Ate Maxene Magalona niya na si Renz Fernandez, anak ni Lorna Tolentino at ng yumaong si Rudy Fernandez.

Ayon kay Elmo, nakilala na niya si Renz.

“Oo, na-meet ko na siya… nakilala ko siya kasama yung ibang friends ni Max nung parang lumabas kami.

“Wala, mabait naman siya. Nakikisama as in as a grupo… mabait siya, nakikisama siya sa amin.”

Nakilala na o nakausap na ba ng mommy nilang si Pia Magalona si Renz?

“Hindi ko sure, e, kung nagkita na sila. Kasi nung lumabas kami, hindi namin kasama si Mama.”

Paano niya ide-describe ang lovelife ng ate niya ngayon?

“Ano naman, e, lahat ng desisyon niya sa buhay sa kanya yun… sa kanya bumabase yun.

“Pero siyempre, kung ano ang makaka-inspire sa kanya at makakapagpagawa sa kanya ng mabuti, dun ako talaga boboto at papabor.”

No comments:

Post a Comment