INILAMPASO NG Ina, Kapatid, Anak ang pilot episode ng kalaban nitong Coffee Prince sa ratings.
Nakakuha ng 25.8% ang soap na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Xian Lim, Maja Salvador at Enchong Dee samantalang halos kalahati lamang nito ang nakuha ng soap nina Kris Bernal at Aljur Abrenica, na nakakuha lang ng 13.1%. Iyan ay base sa Kantar Media para sa October 8 na pilot episode ng dalawang soap.
Hindi naman kami nagtataka na hindi nag-click ang Coffee Prince dahil hindi naman maganda ang pagkakagawa nito unlike Ina, Kapatid, Anak na sobrang pinagkagastusan at ang gagaling ng mga artista. Bukod sa superb acting nina Ronaldo Valdez, Janice de Belen, Pilar Pilapil, at Cherry Pie Picache, maganda rin ang story nito na tumatalakay sa surrogate moms.
ITINANGGI NI Sarah Geronimo that her mom Divine had a hand in the firing of her make-up artist and stylist na sina Jing Monis and Eric Pe Benito.
“Sino ba naman po kaming mga powerful na tao para magpa-ban ng mga stylist? At saka mahal po namin sila,” sabi ni Sarah sa launching niya as the newest brand ambassador ng Cherry Mobile.
“Alam n’yo, mahal ko po talaga ang mga taong ‘yon. Talagang habambuhay ko pong… ‘yung utang ng loob ko sa kanila, hindi mawawala po ‘yon,” dagdag na paliwanag ng singer.
She’s clueless nga kung saan nanggaling ang tsismis na ‘yon.
“Hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yung rumor na pina-ban sila.”
Sabi nga niya, willing siyang makipag-usap sa dalawa para maayos ang gulo.
“Kailangan lang po na personal na makapag-usap-usap para maayos ‘yung friendship po namin na mayroon po kami. Sana one day maupuan namin para mapag-usapan po ito.”
Admittedly, na-hurt si Sarah na nakaladkad ang kanyang madir na si Divine sa issue.
“Siyempre masakit po na makita ko ‘yung mommy ko na… hindi na lang din po niya pinapakita sa akin kung ano ‘yung… Minsan nakikita ko siya… hindi, ayaw kong magbigay ng detalye,” sabi ni Sarah.
Super iwas rin si Sarah sa tanong kung payag na ba siyang makasama si Gerald sa third movie nila.
“Wala, wala pa akong… wala pa pong confirmation ang Viva. Pag-uusapan po, titingnan natin,” sabi niya.
man hong… basta okay po ang lahat. Ayoko ko na po sanang pag-usapan pa,” dagdag ng dalaga.
NAKAKALOKA ANG nakita naming entry sa Facebook where a showbiz question was included in an exam.
A certain Sairen Black tweeted na merong isang bonus question ang professor nila na may kinalaman sa Be Careful With My Heart na pinagbibidahan nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria.
“Sir Chief is already in love with Maya. TRUE or FALSE? (My prof. include in our final exam. #100),” tweet ni Sairen.
Imagine, pati professor ay nanonood din ng Be Careful With My Heart.
Nagkagulo-gulo sa tweet na ‘yon at merong mga nang-lambast sa professor. Bakit daw inilagay iyon. May nagsabing unethical pa raw iyon.
Whatever! Baka die-hard Kapuso lamang ang nagre-react dahil wala pa yatang incident na itinanong sa exam ang any show ng GMA-7.

No comments:
Post a Comment