Kailangan sigurong mag-effort pa ni Maja Salvador para hindi siya kabugin ni Kim Chiu sa Ina, Kapatid, Anak sa kasalukuyang umeereng serye ng ABS-CBN. Kahit mas madrama ang role ni Maja, parang mas makuwela ang role ni Kim. Hindi niya kailangang magbawas ng acting. The more kikay, the better. Maski na nagda-drama na siya ay natutuwa pa rin sa kanya ang manonood dahil mas sympathetic ang role niya kesa sa sosi role ni Maja.
Parang maganda rin ang tatakbuhin ng love story nina Kim at Xian Lim na nagsimula sa pagiging kontrapelo sa isa’t isa, kaysa sa masyadong in love sa isa’t isa na sina Maja at Enchong Dee.
Sa ngayon ay sa dalawang magka-love team pa tumatakbo ang istorya ng drama series pero nagbabadya na ng malaking kadramahan ang pagluwas sa Maynila ng character ni Cherry Pie Picache at ang muling paghaharap nila ni Janice de Belen.

No comments:
Post a Comment