Thursday, November 29, 2012

Aljur Abrenica on issue about seven-week run of Coffee Prince

Ikalawang beses na ni Aljur Abrenica na maging cover ng Men’s Health magazine. Ngayong December nga ay siya muli ang napiling cover ng men's fitness magazine na ito mula sa Summit Media.

Itinuturing nga raw ni Aljur na pa-Christmas na rin niya ang Men’s Health sa mga sumusuporta sa kanya.

“Nagulat ako noong sinabi nila na gusto nila akong maging [cover sa] December issue,” sabi ni Aljur nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket presscon na inihanda ng Men’s Health sa kanya, sa 17th floor ng GMA Network Center noong Martes, November 27.

Ayon pa sa Kapuso hunk, halos araw-araw siyang nagwo-workout sa gym at maingat din siya sa mga kinakain niya—meron o wala man siyang pinaghahandaan.

Sabi niya, “Yung pagdyi-gym kasi, hobby ko na.

“Yung iba kasi, pinaghihirapan talaga. Pero ako, hobby ko na talaga.”

Ano pa ang pinapalaki niya sa kanyang katawan?

“Wala na. Lahat malaki na,” sagot ni Aljur, na ikinatawa naman ng press.



COFFEE PRINCE. Nagawi ang usapan tungkol sa pagtatapos ng pimetime series nila ni Kris Bernal, ang Coffee Prince, na umere lamang sa loob ng pitong linggo.

Kahit sa umpisa pa lang ay nasabi na sa presscon ng Coffee Prince na seven weeks lang talaga ang magiging takbo nito, samu’t saring mga isyu pa rin ang idinidikit sa pagtatapos nito.

Sabi ni Aljur tungkol dito, “Before pa kaming mag-start, sinabi na sa amin na hanggang seven weeks lang kami.

“Kasi sa Korean Coffee Prince, hanggang ganoon lang talaga. Hindi siya puwedeng dagdagan.

“So, ginawa namin ang lahat para masubukang ma-extend pa sana. Pero ganoon lang talaga.

“Kung mapapanood ninyo sa Internet, hanggang ganoon lang talaga.

“Kahit sa Thailand at Singapore, hindi sila pinayagang mag-extend.

“Hanggang ganoon lang talaga ang kuwento.”

Dagdag niya, “Napatunayan naman namin na mataas ang rating.

“Ginawa namin ang lahat. Umakyat sila sa taas. Tumawag sila sa Korea, pero ayaw na talaga.

“Kumbaga, maiiba na raw ang istorya.

"Hanggang ngayon, pinapangalagaan talaga nila ang Coffee Prince.”



ONE SEASON. Ano ang nararamdaman ni Aljur tungkol sa ilang mga negatibong opinyon at isyu na ikinakabit sa pagtatapos ng Coffee Prince pagkatapos ng pitong linggo?

“Unang-una, kung saan man nanggagaling ‘yan, lahat kami masaya.

“Lahat kami ganado sa set, lahat kami magaan ang trabaho.

“Yung last day namin, kung makikita po ninyo, lahat kami masaya.

“Lahat kami, naging masaya ang Pasko namin. Kumbaga, Christmas party na rin namin yun para sa mga staff.

“In short, ako, naglabas talaga ako ng pera para sa mga staff.

“Kumbaga, bilang appreciation na rin dahil naging maganda ang proyektong ginawa namin.

“Hindi ko alam kung bakit lumalabas ang mga ganyan. Nagulat ako kasi alam ko na okay kaming lahat.

“Kumbaga, sasabihin ko na lang na hindi totoo yun. 

"Walang dahil sa amin napaigsi, hindi po totoo yun,” saad niya.



CAREER. Itinuturing ni Aljur na maganda ang taong 2012 sa kanya.

Bukod sa kanyang mga proyekto sa TV (Amaya, Together Forever, at Coffee Prince), nakadalawang pelikula siya (My Kontrabida Girl at Sossy Problems) at nagkaroon siya ng tatlo o apat na TV commercials ngayong taon.

Sa pagpasok naman ng 2013, may naka-lineup na raw siyang bagong teleserye—at balitang si Sarah Lahbati ang makakapareha niya.

Pero ayon kay Aljur, “Hindi pa nga po sigurado yun kasi hindi ko pa po naririnig sa mga bossing.”

VIN ABRENICA. Ang nakababatang kapatid ni Aljur na si Vin Abrenica ay isa na ring ganap na artista ng Kapatid network pagkatapos nitong manalo sa Artista Academy.

Ano ang pakiramdam na dalawa na sila ni Vin na nasa showbiz?

“Siyempre, minsan nga, kapag pinapanood ko yung utol ko sa TV, saka lang nagsi-sink in na dalawa na kaming artista sa pamilya.

“Hindi ko ma-explain kung gaano ako kasaya, kung gaano ako natutuwa,” sagot niya.

Ang bunso nilang kapatid na si Allen ay dose anyos pa lamang. Pero nakikitaan na ba ito ni Aljur ng pagkahilig sa pag-aartista?

“Wala pa naman. Pero kung ano ang treatment ko kay VinVin, ganoon din ang gagawin ko sa kanya—magtapos muna ng pag-aaral.

“Pero sa nakikita ko, parang gusto rin,” sabi ni Aljur.

Ngayong dalawa na sila ni Vin na nasa showbiz, may katuwang na si Aljur sa pagtulong sa kanilang pamilya.

Saad niya, “Kaya ako, sobrang thankful ko, hindi lang sa makakatulong sa akin kung hindi sobrang thankful ako…

“Kasi si VinVin, nakita na niya kung ano ang gusto niya talaga. Kumbaga, nag-e-enjoy siyang magtrabaho.

“Yung pera, kumbaga, secondary na lang ‘yan.

"Pero nakikita ko sa kapatid ko na enjoy na enjoy siya.”

FAMILY AFFAIRS. Tinanong din ng PEP kay Aljur ang naging pahayag ni Vin na nagkabalikan na raw ang mga magulang nila pagkatapos nilang maghiwalay pasumandali.

Totoo bang nagkabalikan na ang mga ito?

Sabi ni Aljur, “Actually, pangalawang beses ko nang sasabihin ‘to.

“Si Vin kasi, during that time [Artista Academy], sobrang busy siya… hindi siya nakakauwi at hindi siya aware sa mga nangyayari.

“Hindi naman kasi nagkahiwalay ang parents namin, nagtampuhan lang.

“E, siyempre, hindi niya nakikita. Pag-uwi niya, wala na si Daddy, so ang isip niya, hiwalay na.

“Na in-explain ko naman na hindi hiwalay, nagkatampuhan lang.

“Ngayon, okay na sila,” sabi ni Aljur.

No comments:

Post a Comment