Thursday, November 15, 2012

Regine Velasquez on being a mom to Nate

Regine Velasquez, ibinahagi ng mahusay na singer ang mga pinagdaanan nila ni Ogie Alcasid bago sila makasal.

(CLICK HERE)

Sa  motherhood, family, at ang learning disability nitong Dyslexia ang pinag-usapan naman ni Regine at ng associate editors ng hot Pinoy showbiz na sina Erwin Santiago at Rommel Llanes.

Erwin: Hi, Pepsters! Nandito tayo ulit sa hot pinoy showbiz at noong last episode ay tinanong natin si Regine kung paano nga ba ‘yong mga arguments or kung nagseselos ba siya kay Ogie.

Agad naman itong sinagot ng Songbird at sinabi na hindi nga nawawala sa isang relasyon ng pag-aaway.

Erwin: May pagkakataon bang nagtatalo kayo ni Ogie?

Regine: “Parang normal naman yata sa kahit na anong relationship ‘yong argument or yung pagtatalo pero, parang kami, comedy.”

Erwin: Paano?

Rommel: Kantahan ba ‘yan? Musical?

Pabara namang sinagot ni Regine ang associate editor na si Rommel Llanes.

Regine: “Comedy nga!

“E, kasi pag nakikipag-away siya, English, e! So, hindi ko naiintindihan.

“Tapos lagi ko sinasabi, wait! Wait lang, pwede bang tagalog? Hindi ko naiintindihan.

“Alam mo yung tina-try mo i-comprehend yung pag-aaway niyo, iko-comprehend mo pa yung sinasabi niya, nakakalito, e!

“So lagi ko siya sinasabihan… Pwede Tagalog?

“Tapos matatawa na siya. Wala na, dun na ‘yon! Nag-end na yung argument.”

Rommel: Selosa ka ba?

Regine: “Alam mo, hindi.”

Rommel: Kaya siguro nagagalit sa iyo?

Regine: “Bakit? Hindi ako talaga selosa.

“Hindi ako talaga, pero mayroon akong way na… hindi! Hindi ako talaga selosa, e!

“Hindi ako basta basta nagseselos. I do feel that way pa rin naman, so when I do, I tell him.

"Dinediretso ko na I don’t feel comfortable with this person, what’s your relationship with this person.

“Gusto ko malaman, diretsahan sabihin mo sa akin kung anong meron, para alam ko kung may dahilan ba akong magselos o wala.

“Tapos, pag sinabi ko sa kanya na I feel weird or may something kayo or I don’t feel comfortable, pag sinabi ko na yun sa kanya, wala, mag-stop na siya.”

Napunta naman ang usapan sa buhay may asawa ni Regine at Ogie.

Rommel: How is the adjustment as Mrs. Alcasid? Lalo na nung dumating si Nate?

Regine: “Naging maganda nga sa amin ni Ogie, nagkaroon na kami ng adjustment.

“Kasi we lived together for a while, e.

“Although, we were already engaged at that time. We decided to live together first before getting married kasi we were also still waiting… yung papers niya.

“Pero parang we couldn’t wait to be together kasi parang ang tagal, e.

“Nung umamin kami parang gusto na namin maging magkasama. So we stayed together for a while tapos dun nangyari lahat ng adjustments.

“Kasi iba yung nakikilala mo na, nagtatawagan lang kayo sa phone, nagkikita kayo na ganito, iba talaga yung magkasama na kayo sa bahay na 24/7 kayong magkasama.

“Iba talaga, e! Iba talaga. Yung mga habits niya sa banyo, pag natutulog.’

Sa tagal nga ng pagsasama nila Ogie at Regine ay nas naging madali ang pagsasama nila bilang mag-asawa.

Erwin: May mga na-di-discover ka?

Regine: “May nadi-discover ka, siya din may mga nadi-discover din siya sa akin.

“Kung baga dinaanan na namin ‘yon. Nung nagpakasal kami parang tinuloy lang namin, tapos nung nagkaroon ng Nate, wala nang masyadong adjustments kasi ginawa na namin yun before, e.

“Eto more on sa part ko na lang, kasi I’ve never experienced this before.‘Di pa naman ako nagiging nanay before so ‘yon na lang ‘yong part na ‘yon, sa part ko na lang."

Nang kamustahin ang lagay niya bilang ina ay magiliw ikinuwento ni Regine and kanyang recent experiences with baby Nate.

Erwin: How are you doing with Nate?

Patawang sinagot ni Regine:  “Hindi ako sure! Kung anong ginagawa ko, pero parang okay naman, okay naman siya, e.

“Medyo ngayon na I’m back to work, nag-delegate na ako ng work.

“Kasi before, talagang ako lahat. Sa akin natutulog, ibibigay ko lang siya sa yaya pag kailangan ko na matulog.

“Syempre, kailangan ko rin naman matulog. Kasi sa gabi, ako yung…

“Kasi nag be-breastfeed ako, e.  So, hindi ako natutulog. Kasi ayoko nang matulog pag sa gabi, na makakatulog ako tapos pag kailangan ako mag breastfeed, ‘yong nag gaganyan-ganyan yung ulo ng baby.

“So parang natatakot ako, so ‘yong solusyon ko, wag na lang matulog.

“So sa umaga na lang ako natutulog. Tapos ibibigay ko siya sa yaya, pag nagising na ako, sa akin na siya ulit.

“Nung bumalik ako sa work, ‘yon, medyo kailangan ko na tanggapin na kailangan niya na muna masanay dun sa yaya niya."

Gaya ng ilang first time moms ay nahirapan din ang Songbird.

Rommel: Mahirap ba?

Regine: “Medyo mahirap at first, lalo na nung nagdecide ako na ‘O, sige babalik na ako ulit sa work.’

“Umiyak kaya ako. Umiyak ako kasi weird na hindi na kami magkakasama. Pero ganun talaga, I’m a working mom.

“Kailangan ko tiisin, but I’m very blessed because ‘yong mga shows na napupunta sa akin ay hindi masyadong time-consuming, as of now.

“Like, Party Pilpinas and Hot TV, that’s just one day, Sunday lang. Then I have Sarap Diva, na minsan kasi nagte-tape kami  three episodes, e.

“Dalawang beses pa lang kami nagte-tape. Ibig sabihin, most of the time I’m still home. I am still able to spend time with my son.”

Matapos ang buhay may asawa at ina ay kinumusta ng PEPTalk si Regine at si Ogie sa kanya-kanyang in-laws.

Erwin: Kamusta yung relationship niyo with your in-laws? Ikaw sa parents ni Ogie, si Ogie with your parents?

“They like me, e. They do.

“It’s part of my talent. Really!  Di ko alam pero gustong-gusto ako ng mga nanay, mga tatay din.

“Hindi ko alam, gustong-gusto nila ako. So I never had a problem with them.

“Mababait yung mga in-laws ko. Wala akong problema, especially yung mother-in-law ko. Tatawag yun, wala lang, kakamustahin niya lang ako…

"‘O, wala si Ogie, are you okay?’

“Very, very sweet. Tapos yung mga kapatid ni Ogie, very supportive. Wala talagang problema. Sobrang okay kaming lahat.”

Erwin: Pero si Ogie sa parents mo naman and your family?

Regine: “Okay din siya. Lalo na sa tatay ko, kasi dati pa, gustong gusto na siya.

“Tawang-tawa tatay ko sa kanya. E, nanay ko, fan din, nanonood ng Bubble Gang, so tawang-tawa rin sa kanya.

“Noong umpisa medyo may resentment sila nang konti dahil nga, you know, [kasal]. Pero nga nung tumagal na, nasanay na sila, they love him.

“Kasi, they know that he makes me happy. So, sa kanila, yun ang pinaka-importante. Pati sa mga kapatid ko.”

Napunta ang usapan sa kung paano ba tratuhin ang isang Regine Velasquez ng kanyang pamilya.

Rommel: Nakaranas ka ba ng special treatment as Regine Velasquez sa family niyo?

Regine: “Sa family ko? Parang wala naman ganun. Basta ako si ate lang ako, wala naman yung…

‘Uy! Si Regine ka.’”

Rommel: Walang special treatment?

Regine: “Walang ganun.
“Although, kasi, yung mga kapatid ko mababait, e. Alam nila yung mga sacrifices ko na kailangan ko daanan para lang mapag-aral ko sila.

“Sobra nilang na-appreciate. Tawag nga nila sa akin bunso, e.

“Spoiled ako sa mga kapatid ko, sobra!”

Erwin: Ikaw ba yung huling nag-asawa sa mga magkakapatid?

Regine: “ Oo!”

Erwin: Kaya naman pala bunso, e!

Regine: “Bunso talaga ako.

“Ako yung pinaka-unang dumating sa mundo, ako yung pinakahuling umalis.”

Erwin: Ano ‘yong fears mo? Through time nagbabago naman ‘yon, e. Pero at this point in your life, ano yung mga fears mo?

Regine: “Sa ngayon… parang wala na. Kasi, parang dapat yata wala ka ng masyadong fear parang ready ka na for anything.

“Napag-aralan namin ‘to sa Bible study.

“‘We are all just passing through.’ So, parang meron tayong ibang destination. So, parang we are all just passing by.

“So kung ano man yung ma-experience natin dito, mas importante yung mae-experience pa natin after.

“Parang… Parang pag ganun yung pananaw mo sa buhay, parang mas madaling tanggapin yung mga dadating na pagsubok.

“Kasi parang sa estado ng life ko, or namin or natin ngayon, parang ang mga pagsubok mo na lang, yung magkaroon ka ng illness, family or friends, nag-uumpisa ka na dun.

“Kasi ‘eto ng yung age na isa-isa nang may nawawala.

"So, parang nagkakaroon ako ngayon ng ganitong attitude, kasi parang, parang dapat ganito na lang. Kasi alam mo naman na lahat tayo papunta dun, e.

“So, it’s easier to accept that, somehow, if you have this kind of faith, na alam mo naman na lahat tayo pupunta at babalik tayo kay God.”

Kitang kita nga na stable na stable ang lagay ng Songbird emotionally at spiritually, ngunit gaano nga ba siya ka-kumportable sa buhay?

Erwin: How comfortable are you?

Regine: “Ano ba yan, financially ba yan?"

Erwin: Sa lahat ng aspeto..

Regine: “Financially, we’re okay, we’re good.

“That’s why we work hard, para kahit papano we’ll be able to maintain a comfortable lifestyle.

“Hindi naman magarbo. Nung nag-asawa ako, mas natuto na siguro akong unahin muna yung needs ng aking mag-ama kaysa dun sa needs ko.

“Kasi nagtatrabaho naman ako, e. Pero mas inuuna ko yung para sa kanila.

“Comfortable enough.

“Kaya nga we work hard.”

Erwin: Ikaw ba ‘yong tipo na nagba-budget?

Regine: “Hindi ko kaya, hindi kaya ng powers ko yung budgeting. Asawa ko yung gumagawa nun, kasi magastos ako, e.”

Malayo na nga ang narating ni Regine, pero natanong ng PEPTalk kung may mga pangarap pa siya ngayon.

Rommel:  Ikaw kasi, Regine, natupad mo na ‘yong mga dreams mo sa sarili mong pamilya, kanila Mang Gerry, sa mga kapatid mo, kay mommy mo. Natupad mo na lahat, napag-aral mo na sila. Pero ngayon with Ogie and Nate, ano ba yung pangarap mo?

Regine: “E, kasi yung dream ko si Nate, e.

“Yun ang dream naming mag-asawa, especially me, yun ang dream ko, magka-baby. Sinagot na ‘yon, e.

“Wala, ‘yon na. 'Yon na ‘yong pinakamalaking dream naming mag-asawa at dream ko talaga."

Rommel: Natupad yung first dream niyong mag-asawa. Mayroon na bang second dream? May second bang darating? Mayroon ba kaming ine-expect?

Regine: “Wait lang ha? Pag-uwi ko, wait lang! Paplanuhin ko pa. Wait lan,g mag-co-concert muna ako, k?

“Tapos makikipag sex ako."

Erwin: How many babies ang gusto niyo?

Regine: “Pag tinatanong niyo ako dati, ‘Kailan kayo magbe-baby?’

“In God’s time, kung type kami bigyan ni God ng baby, then go!

“True enough in God's time, talagang ibinigay niya.

“So ngayon, same answer, in God’s time. If He wants for us to have another baby, then we’ll be so happy.

“Kung hindi naman, my God! Sobra-sobra na nga yung Nate."

Erwin: Pero nage-effort naman kayo?

Regine: “Nagse-sex naman kami.. meron naman!”

Rommel: Kamusta naman si Nate as a baby?

Regine: “He’s a very good baby. He’s very malambing, especially sa akin, malambing siya.

“Since lagi kaming magkasama, pagdating ko, yung feeling ko ako yung pinakamagandang babae, ever.

“Ganun siya, ganun niya ako tignan. Pag kumakanta ako, parang ‘Ang galing mo naman kumanta,’ ganun siya.”

Rommel: Pero nilalaglag mo siya sa Twitter. Pag umiiyak siya.

Regine: “Nakakatawa kasi, kaya kahit umiiyak, pini-pictyuran ko. Nagagalit na nga yun sa akin, pag umiiyak siya tapos hinahayaan ko siya, tapos kinukunan ko siya ng video.

“Tapos pag todo na, at saka ko… madali naman patahanin. He’s a really good baby.

“At saka ngayon, ang cute, kasi nag re-respond na siya to ''no.'

“Pag sinabihan ko ng 'no!' Gaganyan pa yan ‘Weh!’ Tapos i-ta-try niya ulit yung gusto niyang gawin, sasabihin ko ulit, 'no!'

“Tapos parang mag-stop siya na medyo serious, pero ita-try pa rin niya.

“Yung third time, iiyak na siya kasi alam niyang, no talaga. So inuumpisahan ko na siya sa ganun.

"Kasi, di ba, parang at a young age maganda nang alam niya yung ‘no means no.’ Ayokong maging spoiled, e. Kasi nga mag-isa lang siya, e.”

Erwin: So sa inyo ni Ogie, ikaw yung disciplinarian, siya yung spoiler?

Regine: “Hindi ko sure kasi maliit pa siya, e.

“So di ko pa alam kung mapapanindigan ko ba yun.

“Hindi ko sure kung mapapanindigan ko kasi charming yung baby, e. Kayang-kaya niya ako utuin, e. Hindi ako sure, di pa ako sure.”

Rommel: So, kanino yung ganung ugali? ‘Yong malambing? Tapos ‘yong pagsubok sa ’yo kung kaya niya ba gawin ‘yong gusto niya?

Regine: “I think sa ngayon, di ko alam kung saan niya nakuha ‘yon.

“It comes with ‘yong age niya, na I think ganyan talaga sila, susubukin nila yung patience mo, kaya sila umiiyak, e.

“Minsan may mga iyak sila na hindi naman talaga iyak. Kasi gusto nila malaman kung gagawin mo yung pinapagawa nila.

“Talagang tine-test yung patience mo. Kaya nga sa ngayon pa lang, at an early age, kailangan ko i-introduce na may, no! Otherwise, baka maging spoiled.”

Naitanong ng PEPTalk na kung si Regine ang Songbird at si Ogie and Songwriter, si baby Nate na kaya Songbird-Songwriter?

Erwin: Nakikitaan niyo na ba ng talent sa pagkanta?

Regine: “I think it’s too early for us to say na pwede siya kumanta.

“Although, he likes music at nakikinig siya. Especially when I sing to him, he’d really listen.

“Kahit ang kakantahin ko lang yung “Itsy Bitsy Spider,”akala mo naman “You’ll Never Walk Alone” yung kinanta ko.

“Tapos may favorite song siya na kinakanta ko, yung “Angel of Mine.” Pag kinanta ko yun, talagang ngumingiti talaga siya.


“Nagha-hum siya minsan pag kumakanta ako. nakiki ano siya… Nagta-try siguro, pero ngayon wala pa, e. Wala pang melody, wala pang ganun. It’s too early, it’s too early."

Nabalik ang usapan sa motherhood ni Regine.

Erwin: Ano ang joys ng motherhood sa ’yo?

Regine: “Every single day is very masaya talaga, every single day.

“At saka every single day, it’s different.

“Adventure talaga siya every single day. Ano gagawin niya today, kung masungit ba siya, tapos biglang magkakasakit.

“Tapos nandito na kami sa age na medyo nagiging adventurous, though maingat naman siya.

“Alam na niya yung 'careful,' kaya lang nasa age na siya na gusto na niya tumayo.”

Biglang bawi ni Regine, “Ay! Tumatayo na siya, gusto na niyang maglakad!

“Lahat tina-try niya, lahat ng makita sinusubo, yung ganun ba! So nandun siya sa age na ‘yon. So, minsan ang hirap na habulin, sapatos yung ilalagay sa bibig.

“It’s exciting pero minsan nakaka-stress din. Kasi hindi mo alam kung nabagok, anong gagawin ko?

“But still, sobrang na-e-enjoy ko ang motherhood.”

Napunta naman ang usapan sa PEPTalk sa sinasabing sakit o learning disability ng singer na-discover niya recently.

Erwin: Paano mo na-detect yung dyslexia?

Regine: “Hindi, kasi na-realize ko na mayroon ako nun! Kasi nga I have a hard time reading, tapos di ako magaling mag-spell.

“So sabi ko, bakit kaya ganun? E, hindi ko naman masasabi na bobo ako, kasi ang galing ko mag-memorize, magaling ako mag-memorize ng script, magaling ako mag-memorize ng kanta. Magaling actually yung memory ko.

“Kaya lang, one time I was watching Oprah, tapos parang sinasabi nila yung mga symptoms, kung ano yung manifestations pag dyslexic ka.

“So parang lahat ‘yon, I went through all that!

“Yung D nagbabalik-baliktad. I have problems with numbers. Kaya sabi ko, parang ganyan yata ako.

“Kaya lang matanda na ako, so nagkaroon na ako ng coping mechanism.

“So, nakaka-cope naman na ako. What I do is, I memorize, bago ako may basahin. I have to sort of read it first, then memorize it, so para pag binasa ko, alam ko na.

“Kaya lang pag-iniba mo the way it was written, at binasa ko siya sa script, so makakabisado ko ‘yan the way it was written, kung paano ‘yong putol. Pag nilagay sa prompter at iba, hindi ko na naman mababasa yan.

“I’ll have a hard time again.”

Erwin: May experiences ka na ba na ganun, na kumakanta ka, nag-i-speil ka na naiba yung…

“Oo! Hindi ko nababasa or kung anu-ano yung sinasabi ko. Dati pinagtatawanan nila ako.

“So, parang ako, hiyang hiya ako. Nahihiya ako. So I feel very embarrassed.

“Parang ang bobo, bobo mo naman.

“Kasi nga that time, di ko naman alam na mayroon akong learning disability.


“But now, I don’t feel so bad, kasi at least mayroong tawag dun!

“I realized na mayroong mali talaga, hindi naman pala ako bobo.”

Erwin: Pero nabanggit mo noon na itong disability mong ito ay nakaapekto sa pag-aaral mo, binu-bully ka noong high school? Grade school?

Regine: “Ya! Nabu-bully din ako. But yung bullying naman here in the Philippines is not that bad.

“I don’t know now, pero during my time,  di ganun kalala ang pang bu-bully nila. Hindi ka ganun ka masyadong affected.

Mas na-affect ako dun sa pressure na nafi-feel ko as a student.

“Sobra akong na-i-stress pag pumapasok ako sa school.

“ Parang ‘Ano ba ‘tong ginagawa ko, ba’t ako nag-school?’

“Nakakabisado ko kung ano ‘yong sinasabi nila ,pero pag dating sa pagsulat or sa pagbasa, I have a hard time.

“So parang ‘Bakit pa ako pumapasok?’

“School was medyo hard for me. Hindi ako nag enjoy.

“Pag may kuwentuhan nga about high school di ba yun nga yung supposedly pinakamasayang time? Di ako nakaka-relate.

“At saka wala akong sinasabi, parang hindi ko type. Hindi ako nag-enjoy. Medyo na-trauma ako, actually, sa school.

“Traumatic yung school sa akin.”

Bilang pagtatapos ay pinakanta nina Erwin at Rommel ang Songbird ng tatlong kanta para sa tatlong importanteng lalaki sa buhay niya.

Rommel: Mayroon ka bang special na kanta para sa tatlong importanteng lalaki sa buhay mo? Unahin na natin si Mang Gerry.

Regine: “Siguro ‘yong “Leader of the band,” type na type niya yun pag kinakanta ko.

“‘The leader of the band is tired and his eyes are growing old…’


“Favorite niya yun!”

Rommel: Si Ogie naman, ano ‘yong kanta mo sa kanya?

Regine: “Ang dami nun, e. Kasi marami siyang sinulat na kanta for me, e. Hindi ko alam! Basta madami, e.”

Erwin: Yung first song na lang na sinulat niya for you?

Regine: “First song he wrote for me, medyo sad, kaya hindi masyadong bagay.

“'Kailangan Ko’y Ikaw' is the second song he wrote.

“Pero hindi ko naman kanta yun sa kanya, e.

“Wala ako maisip, sa dami. Pero sa akin, yung “Sa Piling Mo,” yun sinulat niya yun for me.

“‘Sa piling mo ako’y buhay, napapawi ang lungkot at lumbay…’”

Erwin: O, kay Nate naman. Kay baby Nate, “Angel of Mine,” ba yung favorite niya?

Regine: "'Angel of Mine' yung favorite niya."

Erwin: Anong favorite line niya?

Regine: “'Angel of Mine. When I first saw you, I already knew, there was something inside of you… angel of mine..’

“Yun! Favorite niya yun."

Erwin: Modern ang mga type na song ni Nate.

Regine: “R&B [Rhythm & Blues]"

Erwin: Ok, time for you to promote your Silver Concert.

Muling inimbitahan ni Regine Velasquez ang mga PEPsters para sa kanyang concert.

“Iniimbitahan ko kayong lahat ng nanonood ng PEPTalk, sana po samahan niyo kami on November 16 at the MOA Arena, for the celebration of my 25th year in the business.

“Eto po yung concert na ang title ay Silver.

“This concert  is directed by Rowell Santiago, with musical directors Raul Mitra and Maestro Ryan Cayabyab.

“Special guests are Janno, of course my husband Ogie Alcasid, and Lani Misalucha.”

Rommel: May special appearance ba si Nate?

“Hindi 'ko sure! Kailangan siya mag rehearse!” pabirong sagot ni Regine. 

No comments:

Post a Comment