Monday, December 10, 2012

Angelica Panganiban on chance of winning Best Actress in MMFF

Bagamat malakas ang hinala ng karamihan na masusungkit ng Superstar na si Nora Aunor ang Best Actress award sa 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF), may ilan namang naniniwala na may laban din ang mga mas batang aktres na sina Angelica Panganiban at Angel Locsin.

Maaaring maging magkatunggali ang tatlo para sa nasabing award.

Si Nora ang lead actress sa MMFF entry na Thy Womb, samantalang sina Angel at Angelica naman ay mga pangunahing aktres ng pelikulang One More Try.

Sa press conference para cast ng One More Try kahapon, December 5, nagbiro si Angelica na: “Yes, may laban kami! Ngayon, naniniwala kaming may himala!’"

Ang "himala" ay pamosong linya ni Nora sa 1982 film niyang Himala.

Pero nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Angelica pagkatapos ng presscon proper, sinabi ng 26-year-old actress na isang karangalan na ang makasama niya ang Superstar bilang isa sa mga nominado.

Aniya, “Sa totoo lang, maitabi lang kami sa pangalan ni Ate Guy, di ba?

“Sino ba ang mag-iisip… ang tagal-tagal nang artista ni Ate Guy, superstar siya, at makasama ka sa mga nominado, kasama ang pangalan niya, ay malaking bagay na ‘yon.”

Gayunman, umaasa pa rin ang Kapamilya actress na magkaroon pa rin sila ng laban ng co-star niyang si Angel para sa nasabing parangal.

Ayon kay Angelica, “Alam mo, sobra namin itong pinaghirapan.

“Sabi nga ni Angel, hindi rin naman namin minamaliit ang performance namin dito, sobra kaming positive.”



WORKING WITH DINGDONG AGAIN. Samantala, sa pelikulang One More Try, muling makakatrabaho ni Angelica ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

Una silang nagkasama noong nakaraang taon para sa 2011 MMFF entry na Segunda Mano.

Sa ikalawang pagkakataon, ayon kay Angelica, nakita niya kung paano maging maalaga si Dingdong sa kanyang mga co-stars, lalo na nang gawin nila ang intimate scene nila.

“Ang protective niya sa kaeksena niya,” sabi ni Angelica tungkol sa Kapuso actor.

“Siyempre, bilang babae, ayaw niya na baka masilipan ang kaeksena niya.

“Siyempre, hindi naman maiiwasan na may tao rin naman doon sa set. Hindi naman puwedeng kaming dalawa lang.

“May ibang lalaki talaga sa set na hindi naman talaga maiiwasan.

“Sobrang napaka-protective niya na ayaw niyang masilipan o ayaw niyang maramdaman ng kaeksena niya na, ‘Uy, baka feeling nito nababastos ko na siya, sumusobra na ako.’

“Wala, wala akong maramdaman na ganun sa kanya.”

Bukod sa pagiging maalaga, napansin din daw ni Angelica na hindi naiilang si Dingdong kahit pa identified ito sa GMA-7 at puro Kapamilya stars ang kasama nito sa pelikula.

“Si Dingdong, nakakatuwa kasi akala mo Kapamilya star na.

“Nagri-reach out talaga siya sa mga taong nakakatrabaho niya.

“Hindi mo mararamdaman yung para bang taga-ibang network siya or naiilang siya.

“Siguro dahil pangalawang project na rin naman niya na magkasama kami,” pagtatapos ni Angelica.

No comments:

Post a Comment