Monday, February 27, 2012

Derek Ramsay, Mukang Hindi Na Tuloy Ang Paglipat sa TV5

PARANG MABUBULILYASO pa ang paglipat ni Derek Ramsay sa TV5.

Bakit? Kasi naman, ibinalita niya sa Twitter na nagsimula na siyang mag-shoot ng movie niya with Bea Alonzo.

Feeling namin, naayos na ang anumang tampo ni Derek sa Dos at dahil dito ay hindi niya nakayang iwan ang network para maging Kapatid.

Ang balita namin, isang reality show ang gagawin ni Derek for TV5. Bukod pa ito sa isang sitcom with Maricel Soriano.

Pero tingnan natin, malay n’yo, TV shows lang ang gagawin ni Derek sa TV5 at hindi kasama sa offer niya ang movies. Sa showbiz pa, anything can happen. Minsan nga, kahit na nakapagsimula na ang isang celebrity ng isang project ay nase-shelve pa ito.

No comments:

Post a Comment