Balita ngang si Sam Milby ang papalit kay Derek Ramsay sa pelikulang nasimulan na nitong i-shoot sa Star Cinema with Bea Alonzo. Pinalitan nga si Derek kahit na naka-five shooting days na ito para sa naturang pelikula dahil sa pagpirma nito ng exclusive contract sa TV5.
Tinanggap nga raw agad ni Sam ang project since may gagawin din daw siyang bagong series sa ABS-CBN 2.
Wala pa nga raw nangyayari sa hinangad na Hollywood dream ni Sam at kailangan na niyang magtrabaho para kumita. Malaki na raw ang nagagastos niya sa kanyang stay sa New York City and so far ay wala pa siyang nagiging trabaho roon.
May mga nagsasabi na kay Sam na huwag na niyang iwan ang career niya rito dahil mahihirapan lang siya sa kanyang nais na magkaroon ng acting career sa Amerika. Hindi nga raw siya magiging priority roon dahil sa rami ng mga Kano na gustong pasukin ang acting.
Kung mabigyan man siya ng trabaho, malamang na walk-in scene lamang or isama siya sa crowd scene. Masuwerte na siya kung mabigyan siya ng dialogue sa eksena.
Ilang mga artista na rin natin ang sumubok na magkaroon ng career sa Hollywood at hindi sila naging successful tulad nina Tetchie Agbayani (na puro supporting roles lang ang nakuha), Giselle Toengi (na walang naging project doon kaya after 10 years ay umuwi na lang dito para i-revive ang career niya), Cesar Montano (na hindi natuloy ang mga projects), Antoinette Taus (na walang balita unless si Dingdong Dantes ang itanong pa rin sa kanya).
Suwerte lang ang mga tulad ni Lea Salonga na nakilala dahil sa Miss Saigon sa West End in London and Broadway kaya siya nagkaroon ng mga projects sa Disney at Broadway. At maging si Charice na tinulungan ni Oprah Winfrey kaya ito nabigyan ng malalaking projects tulad nang paglabas niya sa Glee at mga shows sa mga malalaking musical venues.
May mga Filipino-Americans naman doon na tulad nina Lou Diamond Philips (La Bamba), Vanessa Hudgens (High School Musical) Dante Basco (Take The Lead), Paolo Montalban (Cinderella), at Reggie Lee (The Dark Knight Rises) na sunud-sunod ang trabaho dahil ang bentahe sa kanila ay mga Americans sila. Nalalaman na lang na may dugo silang Pinoy kapag nai-interview na sila.

No comments:
Post a Comment