Hindi naging madali para kay John Lloyd Cruz ang marating ang kasikatang kanyang tinatamasa ngayon. At sa higit isang dekada niya sa showbiz ay nakalikha na ng pangalan si John Lloyd, at isa ngayon sa mga A-list stars sa local showbiz.
Sa patuloy na pagtangkilik sa kanya ay malaki ang pasasalamat ng aktor na kahit nagsusulputan ang mga bagong artista ay patuloy pa rin siyang sinusuportahan. “Iba ngayon ‘yung kompetisyon. It’s something else. Ang bilis ng transition, ang bilis ng lahat [ng mga nangyayari]. Ang kompetisyon talagang you really have to be up to the game,” paliwanag niya.
Malaking factor daw ang magandang gabay ng kanyang talent arm, ang Star Magic, upang marating niya ang kinalalagyan niya ngayon. Paliwanag pa ni Lloydy, “They really allow me to do what I want to do, what I think is best for me but with [their] guidance. Ngayon looking back, okay eh. Hindi ako na-pressure to do things na di ko naman gustong gawin, di naman ako na-pressure to be somebody I’m not. Sa panahon ngayon ang mga artista would do anything for a role, I’m happy to be in a good place.”
Pagtukoy ni John Lloyd, malaki ang kinalaman ng timing sa kanyang pagsikat. “Nainip din ako noon. Nagkaroon din tayo ng pagkakataon na di mo alam kung saan ka pupunta, kung anong gusto mong puntahan. Pero noong andoon na ‘yung realization from both parties (John Lloyd at Star Magic) na parang it started a whole new [meaning],” pagbabahagi niya.
Kagaya ng ibang artista bago sumikat, naranasan din niyang gumawa ng mga supporting roles hanggang sa biglang tangkilikin at sumikat ang team-up nila ni Bea Alonzo. “Kami ni Bea we’re celebrating 10 years. We have two projects ngayon, magandang paraan kung paano magpasalamat sa 10 taon, sinusuportahan kami ng tao.”
Gayunpaman, hindi itinatanggi ni John Lloyd na kahit matagal na siya sa showbiz ay malaking hamon pa rin ang manatiling sikat. “Sa naabot natin ang mahirap kung paano mo siya aalagaan. Every move is criticial. Napaka-crucial ng bawat move. Ang hirap ngayon nage-evolve ang audience, ano kaya ng nagugustuhan nila ngayon. I can only be grateful na tinatanggap [at] tinatangkilik ang trabaho natin. Hindi mo masabi, very unpredictable ang audience.
“Ang di ko lang matatanggal is when you give me something and gusto ko talagang gawin, rest assured you have my dedication, you have my commitment. ‘Yun naman ang laban mo. In the end mag-fail or mag-succeed, at least you gave it your best.”
No comments:
Post a Comment