Wednesday, September 26, 2012

Baby ni Regine at Ogie maliit

ISA si Ogie Alcasid sa pinakamasayang tao ngayon dahil sa pagsilang ni Regine Velasquez ng kanilang first baby na si Nathaniel James.

Narito ang statement mula kay Ogie kahapon:
“Baby Nathaniel was born 7:47 last night at 4.4 lbs. Light baby because isn’t due to come out yet.

“However, Dra. Lilybeth Genuino decided to do a C.S. last night because Regine’s amniotic fluid was low and sugar was quite high due to gestational diabetes.

“Praise God, but baby now is really doing well.

Signs are good and latching on to Mom for breastfeeding so he can catch up with weight. TY for prayers and will update.”

“Dahil sa liit ng baby, sandaling ipinasok muna ito sa incubator, pero inilabas na rin at okay na okay na raw ito.

Kahapon ay nasubaybayan namin sa Twitter account ni Ogie na nasa TV commercial shoot ito.

Gustung-gusto ni Ogie na matapos agad ang shoot niya dahil nami-miss na raw niya ang kanyang mag-ina.

“Here at commercial shoot. Missing mom and baby Nate! Can’t wait to see them again :)”
Tuwang-tuwa si Ogie dahil magmula nang tinweet niya ang panga­nganak ni Regine, ang da­ming nag-congratulate sa kanya at masaya sa pagdating ng kanilang baby Nathaniel James.

Naging trending pa ito sa Twitter.

Sa panayam ng PEP kay Ogie, naikuwento nitong nasa tabi siya ni Regine nang manganak ito.

Abala raw siya sa pagkukuha ng litrato at video.

Masayang ikinuwento ni Ogie na ang puti ng baby at napakaguwapo nito.

Tingin niya, kamukha ito Regine.

***

Kahapon ang last taping day ng Time of My Life at kitang-­kita mo ang closeness ng cast dahil matagal silang nagkasama sa taping at nabuo raw ang magandang friendship sa kanilang lahat.

Kahit close silang lahat, hindi pa rin maiwasang intrigahin si ­Rocco Nacino dahil may mga nagsasabing ito ang luma­labas na bida at tinalbugan nito si Mark Herras.

“Hindi ko naman nakita na may ganu’n dahil sa takbo ng story, hindi naman lumabas kung sino talaga ang bida. Mas naka-focus sa grupo, eh,” sey ni Mark.

“Never naman ako nakaramdam ng insecurity kahit kanino. Alam naman po ng lahat ng tao iyun, eh.

“Siguro, opinyon na lang mga tao iyun, at nire­respeto ko naman ‘yun. Pero sa amin wala po iyun at hindi namin iniisip ni Rocco iyun.”

Kahit si Rocco ay ganu’n din ang kanyang tingin dahil nagkakaisa raw sila na dapat ay naka-focus sa magandang takbo ng kuwento, hindi sa kung sino ang lalabas na bida rito.

Mas mabuting aba­ngan na lang daw kung kanino sa kanila ni Mark mapupunta si Kris Bernal.

Doon sa taping ay napansin namin ang silver ring na suot ni Mark, na naintriga kami kung engagement ring na ba nila iyun ni Ynna Asistio.

“Ay! Ano po ‘to, couple ring siya. Hindi engagement ring iyan, couple ring lang na ang kalahati nito, kay Ynna,” nakangiting sagot ni Mark.

Matagal na raw silang may couple ring na dati ay si Ynna ang bumili, pero pinalitan nila ito nang bumili siya ng bagong pares na singsing.

“Para lang mas cheesy,” parang kinikilig pa niyang pakli sa amin.

“Ang kaibahan lang nito sa engagement ring, kasi ang engagement ring, iyun na ang binibigay mo kapag asking your girlfriend to marry you.

“Ito, parang commitment lang na pareho kaming meron, na hindi naman engagement ring.

“Kung sakaling magkaroon, malalaman n’yo naman iyun, eh. Pero matagal pa iyun eh.

“Basta ako, I’m ­happy with Ynna. Hindi naman nawawala ang intriga eh, mapa-negative man o positive.

“Ang maganda lang du’n, hindi na siya naging big deal. May mga haters, pero ngayon, wala naman na.

Siguro, nag-mature ang mga tao at natanggap na rin nila.

“Ang maganda pa, pareho kaming maganda ang takbo ng career namin na hindi kami kailangan ni Ynna sa isang project na nakikita naman ng GMA na we can work apart,” dagdag na pahayag ni Mark.

Bukod kay Ynna ay nandiyan pa rin daw ang suporta ni Mark sa Tita Nadia Montenegro niya lalo na’t may pinagdadaanan ito ngayon.

Ayaw lang daw niyang makialam pero wish din niyang matapos na ito.

No comments:

Post a Comment