Wednesday, September 26, 2012

John Lloyd excited maging mistress si Bea

Ika-10 years na rin pala ng loveteam nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ngayong taong ito.

Simula nang magkatambal sila noon sa teleserye na Kaytagal Kang Hinintay. 2010 naman nang huli silang magkasama sa pelikula sa Miss You Like Crazy.


Pero ngayong taong ito, tipong sabay na rin sa ika-10th years ng loveteam nila, kumpirmado na nga ang pagtatambal nilang muli sa pelikula ng Star Cinema na The Mistress.


Parehong aminado na ibang-iba raw ang The Mistress na sa title pa nga lang naman ng movie, mage-get na agad ang tema nito.


Sey nga ni John Lloyd, “‘Yung mga character, talagang something new for me and Bea.

Pero ako, personally, I am more excited with Bea kasi, napakaganda nitong role na nag-landing sa mga palad niya. Na-e-excite ako ro’n sa ideya na kung ano ang mabibigay namin.”


Feeling naman daw nila, lalo na si Bea, kahit 10 years na raw silang loveteam, tuwing may bago silang movie together, parang fresh lang palagi.


Sigurado naman na isa na naman ito sa ika-e-excite ng mga fans nilang dalawa. Lalo na ang balitang kasabay halos ng movie nila, magsasama raw muli sa isang tele­serye ng Kapamilya network ang dalawa.

No comments:

Post a Comment