HINDI maitatangging isa na namang phenomenal hit ang na-produce ng Star Cinema sa The Mistress.
Kahit sa mga ordinaryong araw, pinipilahan ito. Box office hit talaga!
Maganda ang feedback sa naturang pelikula na kahit may mga ilang eksenang ikinatataas namin ng kilay, puwede pa rin.
Hindi pa rin kasi nawawala ang formula na napapanood namin sa mga Star Cinema films, pero maganda pa rin ang kabuuan nito at magagaling silang lahat, lalo na si John Lloyd Cruz.
Kahit may mga ilang puna kami sa pelikulang ito, tameme na lang kami sa hirit ng aming patnugot na, “You cannot argue with success.”
Okay! Fine!
Ang inaasam lang sana namin, sa mga susunod na pelikula ni John Lloyd, sana ay maayos na ang katawan niya.
Medyo daring na sila ni Bea Alonzo sa pelikulang ito at puwede na sila ma-elevate sa mas mature roles na kaya na nilang gawin ang mga pelikulang pinagsamahan noon nina Christopher de Leon at Vilma Santos.
Puwede kaya naming mapanood si John Lloyd sa mga susunod niyang pelikula na hubo’t hubad na nangangabayo gaya ng ginawa ni Boyet sa Magkaribal na pinagsamahan nila nina Vilma Santos at Alma Moreno?
Sa ngayon ay malabo kahit willing pa si John Lloyd dahil hindi pa handa ang katawan niya.
Sana, ayusin ni John Lloyd ang katawan niya na magmukha siyang hunk para keri na niya ang mga ganu’ng eksena.
Hindi mapigilan ang paglapad ng noo niya, kaya posibleng ninipis na ang buhok niya sa paglipas ng panahon.
Kahit makakalbo na siya, sexy pa rin ang dating kung maayos ang katawan niya na katakam-takam na puwedeng pag-agawan ng leading ladies niya,
Magaling siyang magdala ng damit, pero kung handa ang katawan niya, mas maganda sana kung mapanood siyang wala ang mga damit.
Bahagi na rin kasi ito sa pagpasok niya sa mas mature at daring na role.
Sayang ang galing niya sa pag-arte kung mukhang tatay ang katawan niya.
Kaya sana, mapanood namin si John Lloyd sa mga susunod niyang pelikula na buff na buff at hunk na ang dating nito. Tingin ko, makakaya niya ‘yan.

No comments:
Post a Comment