Mr. Jericho ang tawag ni Lovi Poe sa crush niyang aktor na si Jericho Rosales na ngayon ay leading man at lalabas na asawa niya sa filmfest entry ng Regal na Yesterday, Today, Tomorrow.
Napanood ni Echo ang Temptation Island kung saan sa cast si Lovi nang bilhin niya ang DVD nito sa New York pero walang kinalaman ang presence sa movie ang ex-girlfriend niyang si Heart Evangelista, huh!
‘Yun nga lang, walang love scene sa movie sina Lovi at Jericho.
“At least, finally, wala naman akong love scene ngayon! Ha! Ha! Ha!” sambit ni Lovi habang katabi si Jericho na ini-interview.
Paano kung hanapan sila ng love scenes ni Mother Lily?
“Magugulat na lang siguro ako pagdating sa set. Okey lang naman. Si Echo naman! Ha! Ha! Ha!” saad ng young actress.
Ano ang masasabi niya kay Echo?
“Hayun, super galing niya! May times na pag rehearsal, napapanood ko na siya. Nai-stress ako! Ha! Ha! Ha!” katwiran ni Lovi.
Paano ‘yan, pareho silang loveless ni Lovi?
“Pag Valentine’s, kausapin ko siya! Ha! Ha! Ha!” sey ni Echo.
***
Hindi mapigilang makapagmura ni Mother Lily sa malaking gastos sa dalawa niyang festival entry this year, ang Yesterday, Today, Tomorrow at Shake, Rattle & Roll 13.
“Paano naman, tatlong malalaking eksena ang kailangan sa Yesterday at isa na riyan ang earthquake scenes. Naku, you should see it! Pati nga extras, 300 ang kailangan at kailangan kong bilangin nang isa-isa ‘yon! Ha! Ha! Ha!
“Tapos sa Shake naman, parang tatlong movie ang ginagawa namin! Kailangang mag-construct ng malaking pool para sa eksenang nalulunod ang ilan sa cast!
Naku, pati kotse ko, nilunod sa tubig at hiniwa pa sa gitna! Nakakaloka! Niri-request pa ni Chris ang imposible! Kaya naman panay ang kanta ko sa kanya ng Impossible Dream! Ha! Ha! Ha!
“Pero after kong makapagmura, nag-a-act of contrition naman ako! Outlet ko lang naman ‘yon. Hindi ko naman pini-personal ‘yung minumura ko! Ha! Ha! Ha!
Sa SRR 13, bigating din ang cast ng bawat episode, huh! Sa Lunod ni direk Chris Martinez, sina Eugene Domingo, Edgar Allan Guzman at Jay Manalo ang main cast. Sa Parola, sina Kathryn Bernardo, Sam Concepcion, Louise delos Reyes, Dimples Romana, Inah Raymundo, Julia Clarete at Ara Mina ang stars na dinirek naman ni Jerrold Tarog.
Sa Tanawoo naman, sina Maricar Reyes, Zanjoe Marudo, Bugoy Drillon at Celia Rodriguez ang cast mula sa direksyon ni Richard Sommes.

No comments:
Post a Comment