Wednesday, September 26, 2012

Gretchen inagawan ng eksena ang bida ng Princess and I

Sa gitna ng kasikatan ng love quadrangle nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Khalil Ramos at Enrique Gil sa Princess and I, nagawa pa ring maagaw ni Gretchen Barretto ang atensyon ng publiko, nang biglang umeksena ang kanyang karakter sa serye na si Ashi Behati.

Agad na nakipagsabayan sa matitinding usapan ng fans ng show ang karakter ni Greta. Sa katunayan, maging sa Twitter, kung saan madalas trending topic ang mga eksena at characters ng Princess and I, ay pinag-uusapan si Greta bilang Ashi Behati, at ang muling pangangalaga niya sa anak na si Dasho Jao (Enrique).

“I’m excited to see Gretchen dressing-up, abandoning her Yangdon costume! She is surely stunning!” sey ng isang fan.

Marami sa viewers ang nakaabang na sa fashion trends na ipauuso ni Gretchen bilang Ashi Behati na nakatakdang gulatin ang lahat sa kanyang Manila royalty look.Matatandaang lumikha ng ingay at higit na kuminang ang pagka-fashionista ni La Greta sa nakaraan niyang Kapamilya seryeng Magkaribal.

Ano ang gagampanang papel ni Ashi Behati sa namumuong espesyal na pagti­tinginan nina Jao at Mikay (Kathryn)? Pipigilan ba niya ang anak sa nararamdaman o maging siya ay mapalalambot din ni Mikay?

Ngunit ano ang gagawin ni Behati sa sandaling matuklasan niya na ang babaeng labis na minamahal ng kanyang anak ay ang nawawalang prinsesa ng Yangdon na minsan niyang pinagtangkaang patayin?

Samantala, patuloy rin ang pag-ariba ng national TV ratings ng Princess And I. Ayon sa pinagsamang average ng nationwide urban at rural ratings ng Kantar Media noong Hunyo 20, humataw ito ng 39.1% national TV ra­tings.

No comments:

Post a Comment