Wednesday, September 26, 2012

Claudine nangakong hindi na aawayin si Gretchen

Ayaw na ngang muling makaaway ni Claudine Barretto ang kanyang Ate Gretchen Barretto.

Ngayon ay maayos na ulit silang dalawa at hindi na raw niya papayagang magkaroon ulit sila ng problema. Pag-uusapan daw nila ang anumang problema at hindi na sila padadala sa sulsol ng ibang tao.


Naisip nga ni Claudine na nagsimula naman daw ang lahat ng gulo between her and Gretchen dahil sa mga tao sa paligid nila. Kung direkta raw niyang naka­kausap si Ate Gretchen niya, hindi na raw siguro nagtagal ang away nila.


“Nasa edad na kami ni Ate Gretch na kailangan nandito kami for one another. Matatanda na ang mga parents namin at ang gusto nila ay magkasundo ka­ming lahat na magkakapatid.


“Kaya noong dumating ang chance na mayakap at makausap ko siya, I grabbed it. Ayoko nang magtagal ito dahil kami rin ang nahihirapan,” nakangiting sabi ni Claudine.


Masigla ngang balik-trabaho si Claudine dahil naka­pag-pictorial na siya para sa bagong series na Iglot.

More than 6 months din nagpahinga si Claudine bago siya nagsimula ulit magtrabaho via Spooky Nights.


Tahimik nga ang naging birthday celebration nila ng kanyang asawang si Raymart Santiago last July 20. Dapat ay magbabakasyon sila sa Hong Kong kasama ang kanilang mga anak, kaso ay pareho silang may trabaho sa TV. Nakaplano na raw ang bakasyon nilang buong pa­milya sa August.


No comments:

Post a Comment