Wednesday, September 26, 2012

Regine imbiyerna sa nanlait kay baby Nate

MAHINAHONG sinagot ni Ogie Alcasid kahapon sa presscon ng OPM2Go ang tungkol sa nakaaway ni Regine Velasquez sa Twitter kamaka­lawa ng gabi.

Nag-post kasi si Regine ng instagram ng kanilang anak na si Baby Nate. Meron basher o ha­ter na nag-post ng hindi maganda sa baby.

Nagalit si Regine kaya sinagot niya ito.

Sunud-sunod na ang mga tweet niyang, “Tinignan ko ‘yung instagram ko kanina, may nag comment ng ‘pangit mo’ sa picture ni Nate. Sana para sa akin ‘yun...

“Kung pangit ang pa­ningin ninyo sa kanya, ok lang din ‘yun pero sana, ‘wag n’yo na ilathala pa...

“Bilang nanay, syempre proud ako picture-picturan ‘yung anak ko. Fee­ling ko ang gwapo. Syempre anak ko eh...

“Alam ninyo, marami na naman ang namimintas sa akin. Hindi ako pumapatol. Kaya lang no’ng si Nate na, parang ang hirap naman palampasin...

“Ok lang sa akin na laitin ninyo ako, sabihin ninyong pangit, mataba, baboy, baka at kung anu-ano pa. Ok lang iyan sa akin pero huwag naman si Nate...”

Halatang masama ang loob ni Regine sa mga inilagay sa kanyang Twitter account, pero ilang sandali lang din, parang nahimasmasan na ito.

“Pasensya na kayo, naglabas lang ng sama ng loob. Gayon pa man, God Bless pa rin sa ‘yo. Sana, maging masaya ka sa buhay mo. ‘Yun lang ;-)

“Mga friends, ok na, super ok na ako. Thank you sa inyong lahat. At least, ngayon alam ko nang marunong pala akong lumaban basta para sa family ko.”

Kahapon ng umaga lang daw nalaman ito ni Ogie, at pinagsabihan na lang daw niya ang kanyang asawa na mabuting huwag na lang patulan.

Pero naintindihan daw niya ang kanyang asawa kaya nakapag-react ng ganu’n.

Pahayag ni Ogie, “You know my wife, her de­dication to Nate, ibang klase. Halos hindi na na­tutulog ‘yun. Yung sensitivity niya as a Mom and as my wife, is very high, and I understand where she’s coming from.

“And I don’t understand why someone can say something like that to our son, ‘di ba?

“Baby nga ‘yun, eh. Kami puwede ninyo naman kaming sabihan ng kung anu-ano, huwag naman ‘yung baby. Kawawa naman, walang kamuwang-muwang ‘yun, eh.

Mabuti’t napahinahon daw si Regine kaya hindi na siya nag-tweet ng mga himutok nito.

“Sa mga haters, mga bashers, siguro, gaya ng sinabi ko palagay ko me­ron lang silang mga problema sa buhay sa sarili nila kaya sila ganu’n.

“I think it’s proven that most of the people who say negative things about other people think negatively about themselves.

“So, I’d like to say a little prayer for them na sana, let’s think of positive things. Hindi ‘yung imbes na mang-away.

“Mas gusto ko positive tayo lahat, banggitin natin ‘yun mga maganda. Alam mo ‘yung epekto nu’n sa buong sambayanan, ang ganda!” pahayag ni Ogie para sa haters at bashers.

Syanga pala, pwede nang buksan ang OPM2Go.com, at doon ay makapamili kayo ng mga awiting Pinoy na gusto ninyong i-download sa murang halaga.

Bukas din ito sa mga bagong artists na hindi pa nakapag-record ng kanta. Puwedeng doon na lang para maibenta nila ito.

Sa Marso 28 ang grand launch nito sa Eastwood Central Plaza.
   

No comments:

Post a Comment