Wednesday, September 26, 2012

Kc walang nagawa sa pamamahiya sa kanya ni direk Cathy


Hindi raw personal na kilala ni direk Cathy Garcia-Molina si KC Concepcion. Sa pelikula at TV lang daw niya ito nakikita, at never pang na-meet ng personal.


“So nung first time ko siyang makatrabaho dito sa Forever and a Day (with Sam Milby), I’ve laid down my cards on her. Sabi ko sa kanya, ‘O KC pasensyahan tayo dito. I’ll do everything para mailabas kung ano ang kayang ilabas ng isang KC Concepcion,” kuwento ni direk Cathy.


At hindi naman siya nabigo, dahil nailabas daw niya ang dapat ilabas kay KC.


“Nakita ko yun sa kanya. Kahit anong pagalit ko diyan, kahit anong pahiya ang gawin ko, wala kang makikitang rebellion. She’s like a sponge na she takes whatever she can.


“Hindi niya ko binigo. Hindi ako na-disappoint kay KC. In fact, I was surprised because I got more than what I expected. Magaling siya. Matalino siya. KC is a revelation here. KC is an actress,” sabi pa ni direk Cathy.


Aminado naman si KC na natakot siya kay direk Cathy.


“Natakot ako kasi now ko lang siya makikilala at makakausap talaga, pero nakatulong ‘yung sobrang tiwala talaga niya sa akin. So she only asked me for one thing and that was to trust her.


“So that’s something na talagang nagbigay sa akin ng lakas ng loob para gawin ‘to. Sa role ko kasi as Raffy, ako ‘yung isang babae na madaming pinagdadaanan. Marami ring hindi pa nasusubukan sa buhay na gustong gawin ngayon para patunayan sa sarili na kaya n’ya,” pahayag naman ni KC.


“Si KC adventurous sa totoong buhay pero may fear of heights! May isang eksena sa mataas na Diyos ko Lord hirap na hirap akong kunan! Hindi pa siya dapat umiyak sa eksena, iyak na nang iyak. Sabi ko bakit ka umiiyak? Kasi nga takot na takot na pala talaga siya! Sabi ko nga as the character Raffy conquers fear of heights, KC’s also conquering it.


“After that nga sabi niya, ‘Direk gumagaling na ‘ko’” Tapos may isa pang eksena na parang lulunurin siya sa river, eh swimmer naman si KC kaya ‘di ako ganun katakot.


“Pero nu’ng take na, ina-allow niya ‘yung tubig na ilubog siya! Ako ‘yung natakot kasi akala ko malulunod talaga siya! Tatlong takes ‘yun na nakakainom siya ng tubig but at the end of it wala kang maririnig na reklamo sa kanya. I admire her professionalism!” kuwento pa ni direk Cathy.

 

No comments:

Post a Comment