Wednesday, September 26, 2012

Kc, at kanyang mga kapatid na sina Garie at Chloe sweet sa isat isa

NANDITO ngayon sa ‘Pinas at nagbabakasyon ang dating asawa ni Gabby Concepcion na si Jenny Syquia kasama ang Swe­dish husband nitong si Filip Skarne.

Kasama ng mag-asawa ang anak ni Jenny kay Gabby na si Cloie Syquia Skarne at ang younger half-sister ni Cloie. Sa Stockholm, Sweden nakatira ang pamilya Skarne. Dumating sila rito nu’ng Enero 12.

Nang dahil sa Twitter ay may contact si Cloie sa half-sisters niyang sina KC Concepcion at Garie Concepcion (anak ni Gabby kay Grace Ibuna).

Tweet ni Cloie kina KC at Garie pagdating niya, “I’m here! We just landed in Manila yesterday early morning. I’d love to see you guys too! :) Excited! <3”
“Welcome to Manila, my love!” ang pagbating tweet ni KC sa kanyang kapatid.

Si Garie ang nag-suggest na magkita-kita sila. Tweet nito kay Cloie, “Let’s set a date then! :) Hehe! Let us know when you’re free :D :D :D” na sinagot ni KC ng, “Sisters unite!!! ;)”

Dahil very active na ang mommy ni KC na si Sharon Cuneta sa Twitter, agad itong nag-react pagkabasa sa tweet na ‘yon ni KC.

Sey ni Sharon, “Your sister Cloie’s here?! I would love to meet her!! Her mama was the sweetest to you!!!”

Nabasa ni Cloie ang tweet na ‘yon ni Shawie kaya sumagot ito ng, “I’d love to see Tita Sharon! My mom has told me so many great things! Mom would love to see KC again too! :)”

***

Nagpunta ng Boracay ang pamilya Skarne. Nakita namin ‘yung tweetpic ni Cloie na may caption na, “Sunset on Boracay. My mom took this right after I spoke with my sis KC for the first time. So happy!”

Ni-retweet KC ang nasabing picture, sabay sabi kay Cloie ng, “I love you my bubbah!!!”

Pagkatapos ay si Garie ang tinweet ni Cloie ng, “So great talking to you last night for the first time.

Can’t wait to meet you, we have so much to catch up on!!! Lots of <3 :D:D”

May ni-retweet din si Cloie na picture na pinost ng Mommy Jenny niya sa Twitter. Kasama niya roon ang mom and dad niya at ang kanyang nakababatang kapatid.

Kuha ‘yon habang nasa speedboat sila papuntang Shangri-La, Boracay kung saan sila nag-stay.

Cute ‘yung caption dito ni Jenny na ginamit niya pa ang bagong slogan ng Department of Tourism na, “It’s more fun in the Philippines!”

Sa itsura ni Cloie ay hindi maikakaila na anak siya ni Gabby Concepcion. Kuhang-kuha niya ang panga ng kanyang ama, na may halong beauty ni Jenny.

Kahapon ay nag-tweet si Cloie na naghahanap siya ng tickets sa concert ni Katy Perry sa Linggo.
Maya-maya ay biglang nag-tweet si KC kina Cloie at Garie ng, “Sistaaaaahs! I got us tix to Katy Perry!!!”

Si Garie ang tuwang-tuwang sumagot ng “Really, ate??? LET’s goo! Yey!! :D Love you!! Can’t wait to see you both :D finally!” na sinagot ni KC ng, “Let’s go ;)”

Ang cute ng palitan ng tweets ng magkakapatid at nakakatuwa na very sweet sila sa isa’t isa kahit magkakaiba ang ina nila.

Nabasa namin sa Twitter account ni Jenny Syquia-Skarne na nagpunta muna sila ng Beijing bago tumuloy ng Manila.

May tweet din siyang excited siyang mag-Boracay, sabay post ng picture nila ni Cloie nu’ng huli silang mag-Bora na ayon sa kanya ay kuha noong 1995.

Maliit na bata pa si Cloie sa nasabing picture, pero ngayon ay dalagang-dalaga na ito.

Walang nai-tweet sina KC, Garie at Cloie kung balak nilang makipagkita sa kanilang amang si Gabby na abala ngayon sa pagti-taping ng teleserye remake ng P.S. I Love You sa TV5.

***

Tama ‘yung sinabi namin na sobrang mae-enjoy ni Sharon Cuneta ang Twitter dahil mahilig siyang magsulat ng kung anu-ano at sobrang daldal niya.

Sobrang aktibong mag-tweet ang Megastar at napakasipag niyang sumagot sa kanyang fans at Twitter followers.

Cute ‘yung series of tweets niya na tungkol sa kanyang favorite things at iba pang mga personal facts about her.

Isa sa mga nabanggit niya roon ay ‘yung pinaglihi niya si KC sa balut, fresh milk, chocolate milk, strawberry milk at fresh plums.

Aliw rin ang tsikahan nilang mag-ina sa Twitter, na minsan ay naglolokohan pa sila ni KC at bini-British accent nila ang isa’t isa.

Nag-tweet si KC na iniimbita niya ang madir niya sa housewarming ng bago niyang place, pero mukhang hindi na makakapunta roon si Sharon.

Nu’ng isang araw ay proud na tinweet ni Mega ang picture ng kanyang adopted son. Ang caption niya rito ay, “God’s gift to us -- my handsome son, Miguel Samuel Mateo.”

Naalala namin ‘yung kuwento ni Shawie kamakailan sa kanyang pre-Valentine concert na isa nang legal na Pangilinan si Miguel. Lumabas ang adoption papers ng bagets nito lang Disyembre 7 kaya napakaganda raw Christmas gift ito para sa kanila.

Nang umalis ang buong Pangilinan family nu’ng holiday season ay kasama nila ang 2 years old na si Miguel, na kung tawagin daw ni Kiko ay ‘Master of Disaster’ sa sobrang gulo nito.

Natatawang kuwento ni Sharon, bukod sa very, very cute ay smart boy si Miguel, kaya lang ay may pagka-naughty ito.

Pati raw nu’ng nasa eroplano sila ay ang ingay ng bagets samantalang sanay siya sa kanyang tatlong girls (KC, Frankie at Miel) na panay well-behaved.

Si Mig ay madaling mainip, kaya sa bahay ay para raw laging may ipu-ipo ‘pag ito ang dumaan.

Medyo nalolokah si Mega dahil meron naman daw siyang mga pamangking lalaki, pero walang kasinggulo ni Miguel.

Happy si Shawie na sobrang in love ang kanyang three girls kay Miguel. Feeling niya ay baka iba ang naging kaso kung babae ang in-adopt nila ni Kiko at hindi baby boy.

Sa ngayon ay wala na raw siyang mahihiling pa, lalo na sa umaga na ginigising siya ni Miguel at sinasabihan ng “Mama, good morning! Wake up, mommy! Wake up!”

Heaven na heaven ang feeling ni Mega sa kanyang makulit na bunso dahil pangarap niyang magkaanak na lalaki.
   

No comments:

Post a Comment