Kamakailan ay tinanong kay John Lloyd Cruz kung isyu ba sa kanya na hindi title role ang gagampanan niya sa pelikula nila ni Bea Alonzo na The Mistress. Naging mabilis naman ang tugon ng aktor at kinlaro na hindi ito ang unang pagkakataon na tinanong siya kung isyu ba sa kanya ito.
“Na-encounter ko na ang question na ‘yan. Walang pinagkaiba ‘yan sa I Love Betty La Fea, parang ganun lang ang tinatanong, parang okay lang ba sa ‘yo na hindi ikaw ang title role,” simula ng aktor. “Sa akin hindi ‘yun issue. Kung ano man ang support na kaya kong ibigay kay Bea ibibigay ko. Hello! That’s 10 years of being a tandem and sabi ko nga lagi kong sinasabi na malaking part si Bea kung ano ang narating ko as an actor. Malaking bahagi si Bea ng identity ko as an actor [and] nakakaapekto rin ‘yon kung sino ako as a person. So kung ‘yun lang, parang nakakatawa naman na kahit title role siya magkakaroon ng isyu. Ibibigay ko lahat para kay Bea.”
Dinipensahan din ni Bea si John Lloyd at ipinaliwanag na kahit ang pamagat ng pelikula ay tumutukoy sa gagampanan niya, ang pokus ng istorya ay nasa karakter pa rin ni John Lloyd.
“Napakasarap pakinggan pag sinasabi n’yo ‘yan, sobrang naa-appreciate ko, ina-acknowledge na magkasama kami nang matagal na panahon [ni John Lloyd] pero dito sa film na ito, hindi naman porke’t ang title ay The Mistress, pelikula ko na ito. Sabi nga ni Inang (director Olive Lamasan) this is a story of a man falling in love with a mistress. So actually, point of view nga ito ng character [ni John Lloyd]. Sinasabi nga ni Vanessa (Valdez) ‘yung writer namin, nabuo ‘yung storya dun sa vision na in her head ‘yung isang babae na nasa window, tinitingnan nung guy and sobrang nami-misteryosohan siya sa babae. ‘Yun pala ang istorya ng babae [ay] dahil mistress siya. Ang story hindi nage-evolve dun sa pagiging kabit ko. Nage-evolve sa anung mangyayari na ‘yung lalaki mai-inlove sa babae na mistress,” mahabang paliwanag ng aktres.
Kakaiba man ang gagampanang role ni John Lloyd sa pelikulang ito, sinabi niya na para sa kanya ay ang role niya sa pelikulang In My Life ang pinaka-offbeat role na nagampanan niya. Sa nasabing pelikulang iyon ay gumanap kasi siyang isang gay.
Having done a string of box-office movies together, naitanong din sa dalawa kung kabado ba sila kung kikita ng malaki ang kanilang latest movie. “Kabahan ka pag ‘di maganda ang pelikula mo,” diin ni John Lloyd. “Pero kasi pag maganda ang pelikula, kahit hindi kumita ‘yan o hindi tumabo sa takilya, kaya mong umuwi at kaya mong matulog sa gabi na [maiisip mo] hindi natin ito kawalan.”
Sinuportahan naman ni Bea ang sagot ni John Lloyd. “After kong gumawa ng movies na hindi ko kasama si John Lloyd, sobrang lagi akong kinakabahan sa box office noon. Siguro sa experience ko, kung alam ko ibinigay ko lahat at maganda ‘yung ginawa namin, parang that’s least of my concern. Of course you want a movie na tumabo sa takilya pero kung hindi man, at the end of the day, ibinigay mo ang lahat.”

No comments:
Post a Comment