Dalawang parangal ang nakamit ni Maja Salvador nitong taong ito para sa pagganap ng lead role sa pelikulang Thelma. Tinanghal na Best Actress si Maja sa Gawad Urian Awards noong Hunyo at gayundin sa Film Academy of the Philippines 30th Luna Awards nitong Agosto lamang.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktres kahapon, Setyembre 7, sa Studio 2 ng ABS-CBN Network, Quezon City, inamin ni Maja na totoong “may pressure” na sa kanya sa mga susunod na proyekto.
Nagbabalik sa ABS-CBN Primetime Bida si Maja kasama sina Kim Chiu, Xian Lim, Enchong Dee, Cherry Pie Picache, Janice de Belen, Ariel Rivera, Eddie Gutierrez, Pilar Pilapil, at Ronaldo Valdez sa bagong teleserye na Ina Kapatid Anak.
Habang nagaganap ang pictorial para sa bagong soap opera ng Kapamilya channel, sinabi ni Maja na hindi nito sinisigurado na mabigat ang susunod na proyekto niya.
Paliwanag ni Maja, “Wala yan kung mabigat, maganda, malaki, o maliit na project. Lahat ng projects na ibigay sa 'yo, dapat ang dating sa 'yo, malaki lagi.
“Dapat parang ‘Baka last project ko na ito kaya dapat ibigay lahat!’”
Sabi ni Maja, sinasadya niyang kalimutan ang mga award dahil pumapasok ang pressure tuwing naiisip niya ang mga nakamit na tagumpay.
Kuwento ng aktres, sinusubukan niyang gawin ngayong “motivation” ang mga awards.
“Kasi pag nauna yung… kunwari, pag kinabahan ako, mas nape-pressure ako. Baka maapektuhan yung trabaho ko.”
Hindi naman daw nagiging mapili o “choosy” ang 23-year-old actress sa mga proyektong inaalok sa kanya.
Wika ni Maja, ‘‘Di naman po choosy. Sana yung tatanggapin ko yung hindi 'ko awkward gagawin or yung hindi maganda para sa akin, hindi pilit.
“Yung alam kong kakayanin ko yung character na 'binigay sa akin.”
Wala daw limitasyon na ibinibigay ang aktres sa sarili.
“Hanggat kaya at kailangan kong ibigay at kailangan ng script at ng istorya, at kung yun yung mas magpapaganda sa kuwento, ibibigay ko,” sabi ni Maja.
MARGAUX SA INA KAPATID ANAK. Bagamat naging matipid pa sa detalye ng kuwento ng teleserye, inilarawan ni Maja ang kanyang role sa Ina Kapatid Anak.
Ang istorya daw ay mayroong kinalaman sa paggawa ng mga sapatos bilang isang family business.
“Yung character ko dito si Margaux. [Tulad] siya ng sapatos na makinang, mamahalin, pero hindi nagagamit. Nasa loob lang siya ng kahon.”
Dagdag ni Maja, “Kasi, di ba, yung kuwento namin, sinasabi, ang sapatos… ang nagsasabi kung ano yung personalidad ng mga tao.
“Depende, e. Kasi tayo yung mga binibili nating sapatos, kung ano yung taste natin.
“[Sinasabi natin] ‘Karakter ko ‘to! Bagay sa akin ‘to!’”
Ayon kay Maja, ang kanyang karakter ay katulad nga ng isang mamahaling sapatos na hindi raw nagagamit o nailalabas.
“Paano pag lumabas na yung sapatos?” nakangiting pahiwatig ng aktres.
BALANCE. Nang tanungin si Maja kung anong klaseng sapatos siya sa totoong buhay, tumingin ito sa kasalukuyang suot na sapatos at sumagot, “Masasabi ko na ako yung sapatos na mataas yung takong.
“Di ba pag mataas yung takong, mahirap ibalanse? Ganun yung buhay ko. Gusto ko nababalanse ko.”
Masasabi ba niyang nasa tamang balanse ang buhay niya ngayon?
Tugon ni Maja, “Balanseng-balanse.”
Pinaliwanag ng aktres ang sagot, “‘Pag sinabi mong balanced, hindi ganung kasaya…
“Yung masaya tapos may problema. O kaya, may problema pero may kapalit na saya. Yung balanse.”
Ayon pa sa aktres, hindi sangkap ang love life sa isang balanse o kumpletong buhay.
Saad nito, “Hindi naman porket wala kang love life, may kulang na sa 'yo.
“Minsan nga, pag single ka, mas doon mo natatagpuan… yung pagiging…dun magiging kumpleto ka.
“Hindi natin kailangan ng ka-partner sa buhay para masaya at para sabihin na kumpleto na ako, yung mas nakilala ko na yung sarili ko.
Sa kasalukuyan, trabaho at pamilya ang kumukumpleto sa buhay ni Maja.
“Para sa akin, yung happiness depende 'yan sa actions mo. Ikaw mismo yun, e.
“Kung pinili mo na ‘hindi naman ako ganito kasaya e, tama lang,’ yun talaga yung lalabas.
“Pero, kung pipiliin mo na, ‘Masaya ako, masaya ako kahit ako lang,’ lalabas yun, e.”
ON DATING AGAIN. May higit isang buwan mula nang inamin ni Maja sa Kris TV na naghiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli. (CLICK HERE to read related story.)
Masaya naman daw ang aktres sa ngayon. Nang tanungin kung ito ba ay nakalimot o nakapag-move on na, sinagot ni Maja, “Yes, kailangan.”
Sinabi ng aktes na walang lumiligaw o nagpapahiwatig ng pagkagusto sa kanya sa kasalukuyan.
Kuwento ni Maja, “Wala po. May mga nagtetext, pero hindi ko masyado pang nire-replyan.”
Bukas na ba ang loob nitong tumanggap ng liligaw sa kanya?
Ayon kay Maja, “Oo naman. Siyempre, ano din naman, tao din ako.
“Kung iibig ako, hindi ko alam kung kailan. Kasi kung ma-accidentally in love ako kung kanino man, hindi ko mapipigilan yun kasi puso yung nagsabi, e.
“Pero ngayon sinasabi ko, wala pa talaga.”
Hindi na nagsalita si Maja nang tanungin kung sinusubukan pa ba ni Matteo na mahuli muli ang kanyang puso.
Sinabi ng aktres, “Ayoko na magsalita [ng] kahit ano kay Matteo kasi respeto ko na lang sa kanya.
“Kung ano man yung last na sinabi ko, yun na yun.”
Sa huling panayam ng PEP.ph kay Maja, sinabi nito na bagamat maayos at nag-uusap naman sila ng kanyang ex-boyfriend ay hindi na raw sinusubukan ni Matteo na manligaw uli. (CLICK HERE to read related story.)
SAM MILBY. Isang pangalang nadadawit sa hiwalayang Maja at Matteo ang pangalang Sam Milby, bagay na mabilis na iklinaro ni Maja nang mabanggit ito sa panayam kahapon.
“Nagugulat ako. Hindi ko alam kung bakit nadadawit yung pangalan ni Sam.
“Parang after nung break-up namin [ni Matteo], dun nasasali yung pangalan ni Sam.
“So, parang nakakahiya, kasi bakit siya nadadamay?
“Never naging issue sa amin ni Matteo yung kay Sam kasi wala talaga.”
Sa panayam ng PEP.ph kay Sam noong nakaraang Sabado, Seytembre 1, sa 2012 Star Magic Ball, sinabi ng aktor na magkaibigan lamang daw sila ni Maja.
Idiniin din nito, “Ayokong pag-usapan na lang kasi hindi naman ako third party or cause ng breakup nila.”
Pare-parehas na dumalo sina Sam, Maja, at Matteo nang walang kasamang date sa nasabing okasyon. (CLICK HERE to read related story)
Upang maklaro ang pangalan ni Sam, ipinaliwanag ni Maja kung ano sa tingin niya ang nagsimula ng hindi matapos-tapos na pang-iintriga sa kanila ni Sam.
“Nag-umpisa kasi yan—alam ko na!—nung Sarah concert,” panimula ng aktres.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakasama ni Maja si Sam manood ng concert ni Sarah Geronimo noong July 21, 2012.
Pangalawang gabi ito ng Sarah Geronimo 24/SG at ang limang ticket ni Maja ay naka-reserba dapat para sa aktres, sa aktor na si John Lloyd Cruz, ang Star Magic talent handler nilang si Nenet Roxas, ang pinsan ni Maja, at ang fiancé ng pinsan nito.
Nagkataong magkasama si Maja at Sam para sa isang show sa Batangas noong kinaumagahan ng Sabado, araw ng concert. Ito rin ang araw na malakas ang pag-uulan sa Luzon dahil sa bagyong Ferdie.
Sa kasamaang palad ay hindi na nakasama ni Maja ang dalawa sa mga orihinal na taong pinaglaanan niya ng mga concert tickets— binaha ang bahay ng kanyang Nanay Nenet at natapat na may taping naman si John Lloyd para sa pelikulang The Mistress noong nasabing araw na iyon.
Dahil kasama na ni Maja si Sam at nalaman ng aktres na plano ring manood ni Sam ng 24/SG concert, nagmagandang loob si Maja na ibigay na ang isang ticket sa kaibigan.
Biniro pa nga nito si Sam na bilhin sa halagang 10,000 pesos ang ticket kahit na 3,000 ang orihinal na presyo nito.
Kuwento ni Maja, “Sabi ko [kay Sam], ‘Sige na, kung wala kang gagawin, kung gusto mo sumama.’
“Kasi gusto daw niya manood,” paliwanag ng aktres.
Ayon sa aktres, bagamat hindi agad nag-confirm si Sam nang mas maaga kung sasama ito, sa huli ay nakahabol ito sa 24/SG concert.
Matapos magkuwento ni Maja, sinabi nito na yun lamang ang naiisip niyang maaaring pinagmulan ng isyu.
“Naisip na namin yun. Hindi pa nga alam ng mga tao na wala na kami ni Matteo nun, e. Kaya siguro yun yung sinasabi na third party,” dagdag nito.
“Hindi ko naman masasabi na mali na nagsama kami sa Sarah concert kasi wala naman.
“Sasabihin kong mali kung meron, meron kaming something. E wala talaga, e.”
May pag-asa kaya si Sam kay Maja kung saka-sakaling manligaw ang aktor dito?
Hindi ikinaila ni Maja na “guwapo” at minsang naging crush niya ang aktor.
Bago pa man naging magkasintahan sina Maja at Matteo, matatandaang tinampok ang tambalang Maja at Sam sa romance series na Impostor noong 2010.
“Tignan natin. E wala naman siyang paramdam, e. Kahit sino puwede,” sabi ni Maja.
Nagbiro pa ito, “I-text kita: ‘Nagparamdam na siya. Confirmed!’
Nang hiritan ito na baka crush siya talaga ni Sam, muling nagbiro ang bungisngis na si Maja: “Itatanong ko siya, ‘Hey! Do you crush me?’”

No comments:
Post a Comment