Saturday, September 22, 2012

Perfect Sunday nina John Lloyd at Angelica

In love na naman ang aktor na si John Lloyd Cruz. Hindi pa man humihilom ang sugat  sa puso niya dahil sa breakup nila ni Shaina Magdayao, nakikipag-perfect Sunday na siya kay Angelica Panganiban.

Well, wala namang masama dahil parehong walang sabit sina John Lloyd at Angelica. And according to some showbiz kibitzers, they share many things in common. Dahil d'yan, perfect couple nga raw ang dalawa.

Hindi rin pakakabog ang perennial love team ni John Lloyd na si Bea Alonzo. Sobrang in love din ang aktres sa real-life boyfriend na si Zanjoe Maruto. Tunghayan ang exclusive interview ni Bea dito sa Hot Pinoy Showbiz kung saan inireveal niya for the first time ang mga bagong kaganapan sa relasyon nila ni Zanjoe.

Kung happy na si Angelica sa piling ni John Lloyd, masaya rin ang buhay pag-ibig ng ex-boyfriend ng sexy star na si Derek Ramsay. Natsismis si Derek na nakipag-date kay Ruffa Gutierrez na naugnay rin noon kay John Lloyd.

No comments:

Post a Comment