Tuesday, October 16, 2012

Aljur inayawan ang pelikulang dinidirek ni Robin

Malaking selebrasyon ang pinaghahandaan ngayon ng grupong Gabay Guro ng PLDT-Smart Foundation, bilang pagpupugay sa ating mga guro. Magkakaroon ng malaking event ang naturang foundation sa October 28 na gaganapin sa SM-MOA Arena kung saan bibigyan ng masaya at memorable na treat ang mga guro.

Bukod sa iba’t ibang activities na ibibigay sa kanila, magkakaroon ng raffle at ang grand prize ay isang house and lot na ibibigay ng Vista Land Corporation sa tulong ni Ms. Camille Villar.

Lahat ng ito ay sa ilalim ng pamumuno ng Gabay Guro Chairman at ng PLDT’s Ms. Chaye Cabal-Revilla.

Hindi na itinuloy ang operasyon kay Alyssa Alano dahil hindi na raw kailangan ayon sa kanyang doktor.

Kailangan lang daw siyang i-monitor nang maayos para maiwasan ang impeksiyon sanhi ng malaking sugat nito sa tiyan.

Medyo hirap pa rin daw si Alyssa kaya hindi ito gaanong nakapagsalita, pero safe na safe na raw ito ngayon ayon sa kanyang manager na si Annie Ayroso.

Nang magkamalay si Alyssa, naloka lang daw ang mga nagbabantay sa kanya dahil tinanong daw agad kung may nasira sa mukha niya. Nang sinabi raw na wala naman at wala siyang dapat ipag-alala, nagpalagay raw ito ng lipstick sa labi niya.

As of presstime, mukhang hindi na matutuloy ang pagsali ni Aljur Abrenica sa pelikulang Kuratong Baleleng ni Robin Padilla na kung saan makakatambal nito si Kylie Padilla.

Nakapag-shooting na pala ito ng isang araw, pero marami pa raw sanang eksenang kukunan kahit nagbawas na raw sila.

Baka ipagtampo pa raw ito ni Robin, pero kung si Kylie ang masusunod, ayaw sana niyang magkasama sila ni Aljur sa isang project dahil naintindihan niya na gusto ng mga fans nito ang Aljur-Kris loveteam.

Mas gusto raw niyang huwag na silang i-showbiz, dahil mas gusto raw niyang mas personal na ang kanilang relasyon.

“Naintindihan ko naman si Kylie kung bakit niya sinabi iyun. Saka tama naman siya ‘yung tungkol sa personal,” pahayag naman ni Aljur.

Sa totoo lang, ayaw na  kasi ni Kylie na makigulo sa love team nina Aljur at Kris dahil kung anu-anong panlalait at alipusta ang inabot niya sa fans ng naturang love team.

No comments:

Post a Comment