Tuesday, October 16, 2012

Richard Gutierrez Umamin na naging masaya kay sarah

Marami ang boto sa relasyon nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati dahil bagay na bagay sila.

I’m sure, si Sarah ang pinakamaligayang babae ngayon sa buong mundo dahil hindi niya inaasahan na aaminin ni Richard sa publiko ang kanilang love affair.

First time ni Richard na magsalita tungkol sa kanyang love life. Nakakakilig ang statement niya na puwede naman pala na maging masaya ang isang tao.

Hindi imposible na ma-in love si Richard kay Sarah dahil mabait at sweet ito. Walang kayabang-yabang sa katawan si Sarah. I should know dahil nasubaybayan ko ang pag-uumpisa ng kanyang showbiz career mula sa pagsali niya sa Starstruck V at ngayong girlfriend na siya ni Richard.

Darling of the press si Sarah dahil matalas ang kanyang memory. Natatandaan niya ang mga tao na kanyang nakakasalamuha at mahusay siya na makisama.

Naging favorite ko si Sarah nang sumali siya noon sa Starstruck dahil ang husay-husay niya na magsalita ng French language. Nainggit ako dahil dream ko na maging fluent sa French language.

Si Richard pa lang ang nagsasalita tungkol sa relasyon nila ni Sarah. Gustong marinig ng mga tao ang reaksiyon ni Sarah sa admission ng kanyang boyfriend.

Kinaiinggitan si Sarah ng mga babae na matagal nang nangangarap na maging boyfriend nila si Richard. Very lucky girl daw si Sarah.

Boto  si Annabelle Rama kay Sarah. Nasabi na noon ni Annabelle sa isang kuwentuhan na nagkakamabutihan na sina Richard at Sarah. Walang narinig na pagtutol mula kay Annabelle dahil nababaitan din siya kay Sarah.

Hindi mahirap magustuhan si Sarah dahil magalang at tahimik ito. Malayung-malayo siya sa ibang aktres na pasosyal at papansin sa mhin na napupusuan nila. Ang kasimplehan ni Sarah ang isa sa ugali niya na siguradong nagustuhan ni Richard.

Nakilala na ni Richard ang mga magulang at ibang miyembro ng pamilya ni Sarah nang magbakasyon sila sa Switzerland noong nakaraang buwan.

Nag-enjoy nang husto si Richard sa kanyang Europe trip dahil kasama niya ang pinakamamahal na babae.

Birthday ni Sarah noong nakaraang linggo pero hindi nagkaroon ng birthday party dahil simple nga lang siya. May pinaplano si Richard para sa post birthday celebration ng kanyang “halma” at malalaman natin ‘yon sa mga susunod na araw.

No comments:

Post a Comment