Thursday, May 31, 2012

Derek Ramsay, Sports Ambassador ng London Olympics 2012

Pumirma ng kontrata si Derek Ramsay bilang official sports ambassador ng TV5 sa London Olympics 2012 at ginanap ang contract signing sa First Pacific Leadership Academy.

Suportado nina TV5 Chairman  Manny V. Pangilinan, TV5 CEO Atty. Ray Espinosa at EVP /COO Bobby Barreiro ang pagiging sports ambassador ni Derek dahil naniniwala sila na makakatulong ang aktor sa layunin ng Kapatid network na hikayatin ang mas maraming Pilipino na sumali sa larangan ng palakasan.

Si Derek ang mangunguna sa delagasyon ng TV5 sa London sa July para ihatid ang pinakamahahalaga na pangyayari sa iba’t ibang sporting events sa Olympics, lalo na sa mga sport na sasalihan ng Pinoy athletes.

Nagpapasalamat si Derek sa malaking tiwala na ibinigay sa kanya ng TV5. Para kay Derek, mahalaga na parte ng paglipat niya sa Kapatid network ang opportunity na magamit ang kanyang hilig sa sports.

No comments:

Post a Comment